Gusto namang mag-ipon, LT, in principle, tinanggap na ang offer ng TV5
PIK: Ayaw pang ikumpirma ni Lorna Tolentino ang lumabas na balitang lilipat na siya ng TV5.
Wala pa naman silang napagkasunduan talaga pero ayon kay Manay Lolit Solis, manager ni LT, ay in principle tinanggap na nila ang offer ng TV5.
Makikipag-meeting sa kanila ang ilang executives ng ABS-CBN at malalaman pa kung kaya nilang tapatan ang alok ng TV5.
Sabi naman ni LT, hindi na siya bata at kailangan na niyang mag-ipon.
Masaya na siya sa mga magagandang projects na nagawa niya sa ABS-CBN pero kailangan naman niyang mag-ipon.
PAK : Hindi aware si sexy young actor na pinag-uusapan na ito ng mga kapitbahay niya dahil napapansin na nilang tuwing pumupunta sa bahay niya ang magandang young actress na matagal nang nali-link sa kanya, nagsasara na ito ng pintuan pati ng mga venetian blinds sa bintana.
Dati naman kasi, kahit sino ang pumupunta sa bahay ni young actor, nakabukas ang venetian blinds, pero ngayon kapag nasa bahay niya si magandang young actress, kaagad na nagsasara na ito.
Ano kaya ang itinatago nilang dalawa? Dahil ba sa talagang friends lang daw sila?
BOOM : Wala pang komento si Aiko Melendez pati ang abogado nitong si Atty. Adel Tamano tungkol sa ipinaparating ng kampo ni Mayor Patrick Meneses na open sila sa ideyang ayusin na ang problema nila out of court.
Nagpahayag noon sina Aiko ng ideyang meron silang isasampang kaso ngayong linggo pero as of press time, wala pa silang kumpirmasyon kung tuloy o hindi dahil sa ilang pagbabago.
Nagpahayag din naman ang Bulacan Vice Governor Daniel Fernando na willing siyang tumayong mediator para mapag-ayos na ang dating magkasintahan at hindi na paabutin ng korte.
Pero paano naman ang Pandi Mayor Enrico Roque na wala namang kinalaman sa gulo nilang dalawa, nadadamay pa?
- Latest