^

PSN Showbiz

Iwa nagtangkang magpakamatay!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

Isinugod sa hospital si Iwa Moto nung isang gabi pagkatapos siyang natagpuan sa kanyang kuwarto na unconscious na.

 Ang housemate nitong si Justine Ferrer ang naghatid kay Iwa sa hospital sa tulong ni Ivan Mayrina na kapitbahay nila.

Hindi idinetalye ni Justine kung ano ang ginawa ni Iwa dahil na rin sa pakiusap ng seksing young actress.

Mabuting manggaling na lang kay Iwa ang statement kung ano ang ginawa niya. Kaya hindi niya makumpirma kung suicide attempt ba ito.

Ang sabi lang ni Justine, naparami ang nainom na antibiotics kaya nanghina ito.

May narinig kaming ibang kuwento tungkol sa ginawa ni Iwa pero ayaw na munang magkomento ni Justine tungkol dito.

Mabuting hintayin na lang daw na magsalita si Iwa para sagutin ang mga lumalabas na kuwento.

Totoo kayang hindi antibiotics ang ininom nito kundi isang klaseng gamot na pampapayat?

Totoo kayang may suicide note daw ito na nakita sa kanyang kuwarto?

Totoo kayang hindi man lang siya pinuntahan sa hospital?

Sa ngayon ay safe na si Iwa at nasa bahay na niya ito nagpapahinga pero mukhang ayaw pa rin niyang magsalita tungkol sa nangyari sa kanya.

vuukle comment

ISINUGOD

IVAN MAYRINA

IWA

IWA MOTO

JUSTINE

JUSTINE FERRER

KAYA

MABUTING

TOTOO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with