^

PSN Showbiz

Kris masaya sa pagpapapayat ni Joshua

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Noong Linggo ay kasama ni

Kris Aqui­no

ang kanyang panganay na anak na si

Joshua

sa proyekto ng De­partment of Health na ehersisyong pang­kalusugan para sa lahat. Ginanap ito sa Quezon Memorial Circle. Ilang govern­ment officials din ang sumuporta sa nasabing programa sa pangu­nguna ni Presidente

Noynoy Aquino.

Sobrang proud ni Kris kay Josh dahil nakasali ito sa isang biking activity sa nasabing event. “Si Josh, nagba-bike na ngayon, eh hindi naman ako maru­nong mag-bike so nakakahiya naman na na­ka-training wheels ako,” natatawang bu­ngad ni Kris.

Ang pagba-bike ang pinakabagong kinahihiligan ngayon ni Josh para mapanatiling malusog ang pangangatawan nito.

“Kasi nandoon siya sa severely obese level. So, ngayon at least nag-lose na siya ng ten pounds. Four times a week talaga nagba-bike, three times nagko-core, something cross training, and swimming. So three different physical activities para pumayat, happy talaga at good na nag-e-enjoy siya talaga,” kuwento pa ni Kris.

Yeng sagot ang Star Magic Theme

Ngayong taon ay nakatakdang mag-celebrate ng kanilang 19th anniversary ang Star Magic. Last week ay nagsama-sama ang Star Magic artists para sa kanilang kauna-unahang station ID shoot.

Masaya si Yeng Constantino dahil siya ang napiling gumawa at kumanta ng theme song para sa nasabing station ID. “Nakakatuwa, pinapakita ng management sa iyo na nagtitiwala sila sa ’yo. Something really close to my heart and special, family namin ito, so malaking karangalan sa akin,” maikling pahayag ni Yeng.   — Reports from JAMES C. CANTOS

KRIS AQUI

NOONG LINGGO

NOYNOY AQUINO

QUEZON MEMORIAL CIRCLE

SHY

SI JOSH

STAR MAGIC

STAR MAGIC THEME

YENG

YENG CONSTANTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with