^

PSN Showbiz

'Loveteam' nina Ney at Yeng naudlot!

-

MANILA, Philippines - Mula sa pagiging vocalist ng 6CycleMind, mag-iiba na ang landas ng career ni Ney Dimaculangan dahil magso-solo na siya sa paglabas ng kanyang self-titled album mula sa Star Records.

Actually, matagal na dapat siyang nag-solo dahil ilang proyekto na rin ang ginawa niya para sa pelikula at telebisyon. Siya ang boses ng soundtrack ng RPG Metanoia na Kaya Mo, na nagwagi bilang Best Theme Song noong nakaraang Metro Manila Filmfest; at ang Walang Hanggan na naging soundtrack ng Imortal.

Grade six pa lang ay aktibo na si Ney sa pagsali sa mga banda. “It never came to my mind na magkakaroon ako ng ganitong project,” sabi niya sa launching ng kanyang solo album. “It would also be an opportunity for me to grow as an artist,” dagdag pa niya.

Si Ney din ang kumanta ng mga humataw sa local music charts na Sandalan, Sige, Prinsesa, Upside Down, Magsaya, Kasalanan, at ng Kung Wala Na Nga.

At sa kanyang bagong album, nag-pramis si Ney na magugustuhan din ito ng mga fans niya.

Sampung kanta na nakapaloob sa album ang kanyang sinulat, isinaayos at pinrodyus - Sana, Velvet Skies, Tagapagligtas, Ligaw, Shut up, Hopeless, Sama-Sama, Himig Mo, Fall-Out at October. Kasama rin sa nasabing album ang da­lawang bonus tracks: Kaya Mo, at Walang Hanggan kung saan kasama niya si Yeng Constantino na nali-link sa kanya pero parang hindi yata natutuloy.

Anyway, mabibili na sa mga record bars nationwide ang self-titled album ni Ney. 

BEST THEME SONG

HIMIG MO

KAYA MO

KUNG WALA NA NGA

METRO MANILA FILMFEST

NEY DIMACULANGAN

SI NEY

STAR RECORDS

UPSIDE DOWN

WALANG HANGGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with