Jinkee naduwag ma-interview sa US TV show?
Napag-alaman namin na hindi pala sinipot ni Jinkee Pacquiao ang kanyang TV guesting sa US na The Talk. Ang programa ay naere noong April 30 sa Talk TV.
Ang The Talk ay isang show na talagang nakalaan para sa mga kababaihan hosted by Julie Chen, Holly Robinson Peete, Sharon Osbourne, at Sara Gilbert.
Ang ganda pa naman ng topic kung paano maging asawa ng isang greatest fighter of the world. Kilala na rin kasi si Jinkee bilang isang celebrity.
Sayang ang magandang pagkakataon at napanood sana namin siya sa The Talk. Bakit kaya naduwag si Jinkee? Hindi kaya natakot dahil spontaneous at Inglisera ang mga hosts?
Alwyn tanggap na ni Jean
Noon ay vocal sa pagsasabi ni Jean Garcia na hindi siya boto kay Alwyn Uytingco para sa anak na si Jennica.
Natutuwa siya dahil nakakapunta na siya sa bahay ng young actress at nakikipagkuwentuhan na sa kanya si Jean at madame ang tawag niya rito.
Aware naman ang aktor na kaya hindi boto sa kanya noon si Jean ay dahil bad influence siya sa anak nito pero pinatunayan ni Alwyn na mali ang mga naririnig na negative issues tungkol sa kanya.
Isa sa magandang katangian kung bakit na-in love ng husto ang young actor sa anak ni Jean ay dahil malambing ito at maalaga.
Maganda rin ang career ni Alwyn dahil marami ang humahanga sa galing niyang umarte sa Babaeng Hampaslupa bilang si Nato na umiibig nang tapat kay Grace na ginagampanan naman ni Alex Gonzaga.
Eloy pangulo uli sa Famas
Nahalal muli bilang pangulo ng FAMAS si Angelo ‘‘Eloy’’ Padua na anak ng yumaong dating presidente ng award-giving body na si Arturo Padua.
Siya ang kasalukuyang secretary ng Rotary Club ng Metro Cubao at board director ng Aliw Awards Foundation at Gumil (Iluko Writers Association, board director at treasurer ng San Sebastian College Alumni Association). Produkto rin si Eloy ng Ateneo Graduate School of Business Center for Continuing Education.
Magiging abala na sila sa pagre-review ng film para sa Gabi ng Parangal na idaraos ngayong darating na Nobyembre.
- Latest