^

PSN Showbiz

Isang buwan lang sa ere Star Box tsugi na agad!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nagtaka ako sa balita na kahapon ang huling ai­r­­ing ng Star Box nina Ali Sotto at Papa Jack.

May ‘K’ ako na magtaka dahil one-month pa lamang sa ere ang pang-umaga na show nina Ali at Papa Jack. Ano ang nangyari?

Nanghinayang ako dahil hindi man lamang uma­bot sa 50th birthday ni Ali ang Star Box.

Golden girl na si Ali sa May 30 at kung hindi na-cancel ang show, tiyak na magkakaroon siya ng grand birthday celebration.

* * *

Sina Carlos Agassi at Joem Bascon ang mga endorser ng Guitar na nagbabagong-bihis dahil handa nang makipagsabayan sa kanilang mga kakumpitensiya.

G60 ang brand ng underwear ng Guitar na ini-endorso nina Carlos at Joem at may giant billboard sa Edsa ang dalawa na briefs lamang.

Natatawa si Carlos nang ikuwento nito na sangkatutak na mga text message ang natanggap niya mula sa mga kaibigan na unang nakakita sa sexy billboard nila ni Joem.

Wala raw siyang kamalay-malay na lumabas na ang billboard kaya nag-isip pa siya nang matanggap ang mga bitin na message ng kanyang friends.

Proud si Carlos na i-display ang kanyang maskuladong katawan. Thankful siya sa Guitar owner dahil sila ni Joem ang napili bilang mga endorser.

Hoping si Carlos na makakatulong sila ni Joem sa pagtaas ng sales ng G60 na puwedeng i-level sa Calvin Klein underwear! G60 ang name ng underwear ng Guitar dahil 1960 nang itatag ito ni Mr. Choa Bengtong.

Sumakabilang-buhay na si Mr. Bengtong kaya ang mga anak niya ang nagpapatakbo ng kanyang negosyo na naiwan.

Mga bagets pa ang mga anak ni Mr. Bengtong at idea nila na bigyan ng bagong look ang Guitar na number one brand sa mga underwear mula pa noong araw.

* * *

Sa Lunes pa ang da­ting ni Richard Gutierrez mula sa California at kasabay niya sa biyahe ang kanyang mga magulang na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez.

Dedma sa jetlag si Richard dahil wala sa kanyang bokabularyo ang salitang pahinga.

From the airport, didiretso siya sa taping ng Capt­ain Barbell.

Halos sampung araw din na nawala si Richard kaya ang taping ng kanyang telefantasya ang aasikasuhin niya bago tuluyang maubos ang mga episode na nakareserba.

* * *

Abangan ninyo nga­yong hapon sa Startalk ang kumpletong report sa ma­aksiyon na away ng magdyowang Iwa Moto at Mickey Ablan.

Marami ang nakasaksi sa ha­bulan portion ng dalawa noong Huwebes sa GMA 7 at nakunan pa ito ng mga cell phone camera.

Tutukan ninyo ang Startalk dahil baka ipakita namin ang mga nakakalokang eksena nina Iwa at Mickey.

vuukle comment

ALI

ALI SOTTO

ANNABELLE RAMA

CALVIN KLEIN

JOEM

MR. BENGTONG

PAPA JACK

SHY

STAR BOX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with