Demanda ng dalawang nagreklamo hinihintay na ni Sid!
Tama ’yung kasabihan na sa showbiz there are no permanent enemies, only permanent interest.
Reunited na naman ang naging magkalabang mortal sa American Idol na sina Paula Abdul at Simon Cowell sa reality search na The X Factor.
Mismong si Cowell ang kumuha kay Abdul bilang judge sa nasabing programa para makasama niya sa panel kasama sina Cheryl Cole, isang British pop star, at ang music mogul na si Antonio LA Reid.
Ang X Factor ay ang US version ng programa ni Cowell sa UK na may kapareho ring pamagat.
Kahit palaging nag-aaway at hindi nagkakasundo sa American Idol, sinabi ni Abdul na na-miss niya ang male host at happy siya na makasama itong muli.
* * *
Ako rin, gusto kong manood ng In The Name of Love, para lang mapatunayan na maganda nga ito, pinakamaganda sa taong ito, kahit nangangalahati pa lamang ang taon. Matagal nang hindi ako umiiyak habang nanonood ng sine, baka kinakalawang na ang tear glands ko.
Hinuhulaan ko kasi kung sino ba kina Aga Muhlach, Angel Locsin, at Jake Cuenca ang nagbigay ng pinaka-hindi mapapantayan, in the name of love.
Gusto ko ring makita kung sa kabila ng papuri ni Aga kay Jake ay may panaghili siyang naramdaman dahil baka naungusan siya nito kundi man ay napantayan sa husay ng pag-arte sa pelikula.
* * *
Hinihintay na lamang ni Sid Lucero ang pagsasampa ng demanda ng dalawang taong sinaktan niya kamakailan.
Bagama’t sinasabi ng isang merchandiser at kahera ng isang hardware store ang ginawa sa kanila ng aktor at sinabing magsasampa sila ng kaso sa korte laban dito, walang paliwanag na sinabi ang legal counsel ni Sid at sinabing may dalawang panig sa isang istorya at hihintayin na lamang nila ang pagsasampa ng demanda ng dalawa laban kay Sid bago sila gumawa ng hakbang para ipagtanggol ng aktor ang kanyang sarili.
Isang kaso lamang ito na puwedeng daanin sa mabuting usapan. Bakit kaya sa halip na ibigay na lamang ni Sid ang kanyang panig ay kinailangan pa niya ng legal assistance?
Bakit kailangan pa nilang humantong sa korte?
Isang simpleng yes or no ay sapat na. Isang magastos na proseso ang demandahan.
- Latest