^

PSN Showbiz

KC absent nang rumampa si Piolo

RATED A - Aster Amoyo -

Although isa si Piolo Pascual sa napakaraming celebrity endorsers ng Bench, bibihira itong mapanood sa iba’t ibang fashion events ng nasabing popular fashion brand dahil sa napaka-tight nitong schedule.

Pero nung nakaraang linggo ng gabi sa SMX, siya ang nanguna sa isang bonggang fashion show ng pinagsamang Bench, Human at Kashieca, tatlo sa mga kilalang fashion brand ng Pilipinas.

Kung pagbabasehan namin ang reaction ng audience nang lumabas si Piolo, siya pa rin talaga ang pinaka-crowd favorite.

Samantala, bakit kaya wala sa audience ang GF ni Piolo na si KC Concepcion para suportahan ang kanyang nobyo? Kung sabagay, endorser siya (KC) ng kalabang brand na Bayo.

Sen. Loren mukhang nagparetoke, nagmukhang bata

Gaano man ka-busy si Sen. Loren Legarda, hin­di ito nakalimot na dumaan sa aming munting salu-salo na ginanap sa Toki Japanese restaurant sa Bonifacio Global City nung nakaraang Martes ng gabi.

Maraming ginulat ang mahusay na lady senator dahil napaka-young looking nito ngayon. Bukod kasi sa pumayat siya, akmang-akma sa kanya ang suot na dark pink dress at lalong bumagay ang kanyang short hairdo at nagmuka siyang ten years younger sa hitsura ng gabing `yun.

Ano kaya ang sikreto ni Sen. Loren? Sumailalim kaya siya sa modern beauty enhancements?

“I have nothing against beauty enhancements pero so far, wala pa naman akong naipapagawa sa mukha at katawan ko,” natatawa niyang pahayag.

“Proper diet lang, exercise, tamang tulog and inner peace,” dagdag niyang kuwento.

Bukod kay Sen. Loren, dumating din si Tac­lo­ban City No. 1 councilor Cristina `Kring-Kring’ Gon­­zales-Romualdez kasama ang kanyang ever beauteous mom na si Rosario `Chayong’ Mallarky-Gonzales, ang Mega publications president na si Sari Yap, Ate Glow, ang Lord of Scents na si Joel Cruz, ang beauty queen-singer-dancer na si Krista Kleiner na nanggaling pa sa isang commercial shoot, Ara Mina, Jojo Gabinete, Atty. June Ambrosio, ang mag-asawang Bayani at Len-Len Agbayani kasama ang dalawa sa kanilang mga anak na sina Marimar at Sabrina at iba pa.

Sa nasabing birthday dinner get together, ibinalita ni Kring-Kring na nami-miss niya ang showbiz at open siya sa posibilidad na mag-balik-showbiz although hindi siya puwedeng mag-full time dahil bukod sa kanyang pagiging public servant bilang konsehala ng siyudad, ginagampanan din niya ang role bilang First Lady ng Tacloban City bilang maybahay ni two-termer mayor na si Alfred Romualdez.

Twitter pahamak

Marami-rami na rin ang napapahamak nang dahil lamang sa twitter.

Di nga ba’t sa twitter nagsimula ang away nina Cristine Reyes at Sarah Geronimo nang dahil kay Rayver Cruz?

Sa twitter din nagsimula ang kontrobersiya sa pagitan ni Angelica Panganiban at fan ni Phil Young­husband ng Azkals.

Kung hindi kami nagkakamali, sa twitter din nagsimula ang gusot ngayon sa pagitan ng dating magkasintahang sina Aiko Melendez at Bulacan mayor Patrick Meneses.

My kinalaman din ang twitter sa break-up nina Mo Twister at Rhian Ramos.

Tiyak na marami pang ibang tweets ng mga celebrities ang pagmumulan ng away o kontrobersiya kaya ingat sa pagti-tweet.

Personal...

Maraming salamat kay Sen. Chiz Escudero, Koji Mi­yashita, L. Carlos, Florist, Makro-Cainta, Janylin Shoes, Benny and Maryann ng Ricky Reyes – Me­gamall, Mosbeau-Philippines, Toki Foodhaus, Inc., PIMSI, UCPB-Ortigas.

AIKO MELENDEZ

ALFRED ROMUALDEZ

ANGELICA PANGANIBAN

ARA MINA

ATE GLOW

BONIFACIO GLOBAL CITY

BUKOD

CHIZ ESCUDERO

CITY NO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with