^

PSN Showbiz

Latest strategy? Mo Twister gustong magpatiwakal?

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Not confirmed pa ang issue ng paglipat ni Ms. Lorna T. sa TV5. Sinagot ni Ms. LT sa Twitter ang issue kahapon. “Not comfirmed pa po. Will wait for the offer.:-).”

“I’m not leaving Channel 2. My contract ends after Minsang Lang Kita Iibigin (MLKI).:-),” sagot pa ng award winning actress na walang kupas ang ganda sa Twitter kahapon.

“My manager Nay Lolit Solis will have meeting with TV5. Then we will talk about the offer. I’m already old so what is best po sana. Thank you.:-)

Oh ayan at least malinaw na pinag-uusapan pa ang lahat.

Hanggang August or September pa raw tatakbo ang MLKI.

Mismong si ‘Nay Lolit ang nagsabi na may offer ang TV5 at makikipag-meeting pa lang siya ngayon kaya wala pang linaw ang lahat.

* * *

“Someone please tell me not to hit the destruct button. Please tell me not yet,” tweet ni Mo Twister kahapon.

Hahaha.

Imbes na maawa ako sa kanya, natawa pa ako.

Parang gusto niya kasing mag-suicide eh pero nag-tweet pa siya.

Siyempre idi-deny niya na suicide ang ibig sabihin nito. Pero ‘yun ang interpretation ng mga nakakabasa kasi dahil non-stop ang emote niya after siyang hiwalayan ni Rhian Ramos.

Baka ito ang latest strategy niya para ma-forgive siya ni Rhian?

Kalurky palang ma-in love itong si Mo. Matapos makarelasyon ang isang girl, idadaldal ang mga ginawa nila.

Phil panay ang promote ng movie nina Angel at Aga

Kasama pala sa mga ‘angels’ ni Angel Locsin si Phil Younghusband.

Yup. At hindi man siya nakasipot sa premiere night ng pelikula nina Aga Muhlach and Angel na In The Name of Love dahil nanood ito ng concert ni Justin Bieber, kasama naman siya at escort ni Angel sa block screening ng pelikula sa Podium last Wednesday night.

Kaya naman may LSS pa si Phil ng theme song ng movie na Love Story na kinanta ni Gary V. dahil nag-tweet ito ng lines sa kanta.

Pino-promote din niya ang nasabing pelikula ng ‘special friend’ niya.

Walang umaamin sa kanila, pero parang may something namang namamagitan sa kanila.

Kylie hindi nawawala ang pagka-muslim kahit parating sexy ang damit

Nag-usap na pala ang mag-inang Kylie at Liezel Sicangco tungkol sa issue na sobrang sexy ng mga damit ng dalawang anak na nasa showbiz na pareho.

Ayon kay Kylie, nag-explain siya sa kanyang mommy na kailangan sa trabaho pero hindi naman daw ibig sabihin ay tinalikuran na nila ang kanilang relihiyon.

Nanatili raw silang madasalin at hindi sumusuway sa kanilang nakagisnang panampalataya.

Samantala, uma-umaga ay nakakatanggap siya ng mga encouraging messages mula sa kanyang step mom na si Mariel Rodriguez. Kaya nga mas nai-excite daw siya sa nalalapit na pagpapalabas ng Blusang Itim na maglulunsad sa kanyang pagiging bida sa GMA 7.

Handa na siya sa nasabing role na unang ginampanan ni Snooky Serna na may special participation sa version na siya ang gaganap na bida.

Binasa ring maigi ni Kylie and script at so far, wala naman siyang naging problema sa character although aminado siyang nahihirapan siya pag kabado sa mga eksena niya.

Nagkaroon din siya ng puspusang workshop para mas maging ready.

At kung sobra siyang na-excite nang malaman ang nasabing proyekto, mas pa ang naramdaman ng tatay niyang si Robin Padilla. “Hindi lang kasi ako ang naghihintay sa project na ito,” sabi ni ba­gets na nakatakdang mag-debut sa September 1.

Magsisimula na sa Monday ang Blusang Itim sa slot na iiwan ng Alakdana sa drama block ng Kapuso channel.                                  

AGA MUHLACH

ANGEL LOCSIN

BLUSANG ITIM

GARY V

HANGGANG AUGUST

IN THE NAME OF LOVE

JUSTIN BIEBER

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with