Imortal Universe tatapatan ang Marvel!
MANILA, Philippines - Hindi dapat malungkot ang mga fans ng Imortal dahil tuloy pa rin ang bagsik ng nasabing kapamilya mythology series sa pamamagitan ng official Imortal website (www.imortal.tv).
The Imortal that they know on TV is merely a planet in a solar system and this solar system is simply one of the many in the entire universe,” pahayag ni Carlos Mori Rodriguez, and head ng ABS-CBN Digital Brand management, na siya ring nagpasimuno ng online project na ito na inilunsad late last year.
Kahit tapos nang umere sa telebisyon ang Imortal primetime series, isang mas malawak at malaking mundo ang naghihintay sa mga fans ng naturang serye.
Sa bago at mas pinagandang website, nilantad ng ABS-CBN ang Imortal Universe habang binibigyan ng pagkakataon ang mga users na lumikha ng kanilang sariling mundo sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanilang mga gawang Imortal na mga karakter at kuwento.
Ang mapipiling kuwento ay gagawan ng special webisodes habang binibigyan ng fifteen minutes of fame ang mga contributors.
Ang mga webisodes ay specially-produced at high-definition na short-form video episodes na tumatakbo sa saliw ng kuwento ng Imortal mythology. Ang mga webisodes ay magsisimula nang magtampok ng mga characer submission mula sa website registered users.
Ayon kay Rodriguez, “This is a pioneering effort to create our version of the Marvel Universe.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 11,657 na likes sa Facebook ang Imortal Universe at parami na ito nang parami. Malapit na ring umabot sa 15-million mark ang hits ng nasabing website.
Dahil sa positibong pagtanggap ng mga netizens, maaaring sabihin na ang mga webisodes, na pinamagatang Anino’t Panaginip, ay may matagumpay na hinaharap.
Marami pang tampok sa pioneering na proyekto na ito. Isa itong lagusan sa mundo ng Imortal na lingid pa sa kaalaman ng karamihan.
Binibuksan ang Imortal Universe, ang maraming oportunidad ‘di lamang sa mga advertisers at TV producers kundi pati sa viewing public.
My Chubby World .....
May panibagong fascinating at educational Saturday show para sa mga bata mula sa GMA Network.
Simula Mayo 14, mapapanood na sa GMA 7 ang kiddie show na My Chubby World. Matutunghayan sa programa ang hilig ng mga bata sa pag`lalaro, paglikha, pag-perform at pagtuklas.
Tuwing Sabado, tampok dito ang isang masayang countdown ng mga bagay at activities na kinahuhumalingan ng mga bata ngayon.
Dahil sadyang tungkol at para sa mga bata, mga bata rin ang magka-countdown sa show sa pamamagitan ng four bright and energetic hosts na sina: Renz Valerio mula sa hit series na Bantatay, Zyrael Jestre na kasalukuyang gumaganap sa My Lover, My Wife, Daniela Amable at Gianna Cutler na parehong huling napanood sa Beauty Queen.
Bawat episode, ilalahad ng hosts ang top seven things na gusto ng mga bata para sa topic of the week - favorite sports man ‘yan, pets, earth-friendly habits, entertainment at marami pang iba!
Sa direksiyon ni Don Michael Perez, isa sa mga direktor ng Bantatay, ang My Chubby World ay makakatulong upang maging updated ang mga bata sa mga napapanahong bagay.
- Latest