Movie nina Angel at Aga makinis ang pagkagawa!
MANILA, Philippines - Ang ganda ng pelikulang In The Name of Love na bida sina Aga Muhlach, Angel Locsin and Jake Cuenca.
Swak sa tatlo ang kani-kanilang mga role sa nasabing pelikula na magsisimulang ipalabas ngayong araw sa mga sinehan.
Makinis ang production design, cinematography, direction etc.
Binusisi talaga at hindi basta-basta ang pagkakagawa.
Kakaiba rin ito sa mga feel good movie nina Aga and Angel na nagawa nila dahil may lalim ang acting nila at conflict ng kuwento.
Kaya naman pala panay ang pasasalamat nina Aga at Angel sa kanilang director na si Olive Lamasan dahil maganda ang kinalabasan kahit halos isang taon bago ito natapos.
Isa pang nakakagulat ay ang galing na ipinakita ni Jake sa movie. In fairness, hindi siya nagpatalbog sa aktingan kina Aga at Angel. Kahit si Direk Joyce Bernal na seatmate ko sa isinagawang review ng CEB kahapon ay bumilib kay Jake. “Mahal ko na si Jake,” biro ni Direk Joyce na nakaramdam ng kakaibang kirot sa puso nang mapanood si Aga sa In The Name of Love habang ang pelikula nilang sinimulan kasama si Regine Velasquez ay parang wala nang pag-asang matapos pa.
Kuwento ito ng magkarelasyon na nabuo ang pagmamahalan sa Japan, bago pa ito nilindol at tinamaan ng tsunami (marami kasi silang eksenang kinunan doon.)
Pero dahil sa sobrang pagmamahal kay Angel ay makukulong si Aga sa Japan at gagawin ni Angel ang lahat para makalabas ang minamahal. Pero along the way ay nagkaroon ng matinding conflict at doon na mag-uumpisang gumanda ang kuwento.
May lovescene sina Aga at Angel.
Graded B ng Cinema Evaluation Board ang pelikula under Star Cinema.
* * *
Thirty something lang ang rating ng laban nina Manny Pacquiao at Sugar Shane Mosley na ipinalabas sa GMA 7.
Ibig sabihin, talagang nabawasan ang mga nanood sa laban nang malaman nilang panalo na si Pacman.
- Latest