^

PSN Showbiz

Pirated copies ng Pacquiao-Mosley fight mabentang-mabenta hanggang sa ibang bansa!

- Ni Ramon M. Bernardo -

MANILA, Philippines - Hindi lang ito sa Pilipinas nangyayari. At hindi nag-iisa ang Quiapo sa pagbebenta ng mga pira­ted DVD copies ng laban nina Manny Pacquiao at Shane Mosley kamakalawa.

Kumakalat din sa mga bansang Arabo o sa Middle East ang mga pirated DVD copies ng kanilang laban, ayon sa isang ulat ng Gulf News.

Wala pa halos isang oras pagkaraang matalo ni Pacquiao si Mosley, kumalat na agad sa maraming tindahan sa Satwa, Dubai sa United Arab Emirates ang piratang kopya ng laban.

Mas malala raw sa kahabaan ng AL Hudaiba road ng Satwa. Kung gaano kabilis ang mga suntok ni Pacquiao kay Mosley, ganun din kabilis ang pagkalat ng pirated DVD ng kanilang laban.

Ayon sa ulat, ganito rin ang nangyayari sa nakaraang mga laban ni Pacquiao na laging may kumakalat na pirated copies ng DVD nito.

Hit na hit daw sa mga fans ni Pac­quiao sa Dubai ang naturang mga pirated DVD dahil hindi nila napanood ang laban o gusto nilang makapagtabi ng kopya bilang collection.

Ang laban ay na-broadcast sa UAE sa pamamagitan ng The Filipino Channel na may bayad na Dh75 pay-per-view fee. 

“Creative sila sa DVD cover ng huling laban ni Pacquiao dahil meron itong litrato niya,” sabi ng isang babaeng kabilang sa mga bumili ng DVD na nasa nondescript orange at white discs.

Nabili niya ang DVD sa halagang Dh10.

Mabentang-mabenta anya ang pirated DVD, ayon pa sa kanya. Hindi niya kailangang maghintay ng tatlong oras na tulad noong una.

Isang kinatawan ng TFC ang nagsabing nakakagulat ang luma­laking negos­yo ng piratang DVD sa Satwa pero hindi apektado ang kanilang pay-per-view sales.

vuukle comment

DUBAI

DVD

FILIPINO CHANNEL

GULF NEWS

LABAN

MIDDLE EAST

PACQUIAO

SATWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with