^

PSN Showbiz

Mo Twister kiss and tell king!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Ang ‘malas’ naman ni Rhian Ramos. Certified madaldal at kiss and tell ang ex niyang si Mo Twister. As in alam na ng lahat, idinaldal ni Mo ang mga ginawa nilang supposedly ay para lang sana sa kanila. Tino-tweet niya lahat ng mga sweet moments nila ng ex na young actress.

Parang hindi yata niya naalala na wala silang official declaration na naging sila na nga pero all of a sudden heto siya, nag-e-emote at parang namatayan nang maghiwalay sila ng young actress na malamang na nagsisisi na ngayon sa pagpatol sa isang madaldal palang ex.

Although poetic ang dating ng mga tweets niya, still itsinismis pa rin niya ang mga nangyari sa kanila ni Rhian. Imagine, pati ang pagki-kiss nila, idinetalye pa sa twitter.

At ang balita, ang twitter din ang pinagmulan ng away nila : nang i-upload ng radio DJ at TV host ang mga photos nila sa last trip nila sa Santorini, Greece ang sobrang ikinagalit daw ni Rhian.

Ang cheap ng dating. Lumalabas ding sinusumbatan niya pa si Rhian sa nangyari. Kung minahal niya ang young actress, sana itinikom na lang ng TV host ang bibig niya. Hindi gawain ng isang maginoo ang magdaldal ng mga intimate moments nila ng kanyang nakarelasyon.

Totoo, masakit sa kanya ang nangyari, pero naalala rin kaya niyang may career si Rhian na ina­alagaan?

Kahapon nag-tweet na naman siya : “Home from the doctor, need more potassium in me, am down to 140 lbs from 153 lbs. for reasons unknown to u all, today is a very important day.”

Ay hindi pala alam ng lahat. Eh ano ‘yung mga tweets niya?

POKWANG MAINIT NA TINANGGAP

Mainit na mainit ang naging pagtanggap ng mga host at manonood ng Ha­pee Yipee Yehey sa unang araw ni Pokwang sa nasabing programa.

Yup, isang grand welcome party ang inihanda ng noontime show ng ABS-CBN para sa pinakabago nitong miyembro, si Pokwang.

Ang HYY hosts na sina John Estrada, Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez at Randy Santiago, kasama sina Bianca Manalo, Matteo Guidicelli, Melai Cantiveros at Jason Francisco, ay nagpahayag ng kanilang bonggang pagtanggap kay Pokwang sa pamamagitan ng isang production number ala-Vegas show.

Siyempre, bonggang-bongga rin ang pagpasok ng komedyante na nakasakay pa sa float.

Present din upang i-congratulate si Pokwang sina Jovit Baldivino, Salbakuta at Angelica Panga­niban. Binigyan din siya ng kanyang anak na si Ria Mae ng isang nakaka-touch na Mother’s Day message.

Ang performances nina Aga Muhlach at Angel Locsin ng In the Name of Love, at Cristine Reyes ang kumumpleto sa star-studded na episode ng prog­rama kahapon.

Actually, parang nakadagdag ng energy sa prog­rama si Pokwang na maaga pa lang ay nagti-tweet na as in mga 8:00 a.m pa lang daw ay nasa studio na siya samantalang 9:00 a.m. ang kanilang call time.

JOLINA NAHILO SA MOTHER’S DAY

Nahilo nga yata si Jolina Magdangal kahapon.

Or baka naman wala siyang chance na magbasa ng kahit anong dyaryo o makapanood ng TV dahil nag-tweet siya kahapon at tinatanong kung kailan ba talaga ang Mother’s Day.

Buti na lang at may mga followers siyang nag-reply at obviously ay sinabi sa kanya na ngayong araw ang Araw ng mga dakila nating ina.

Buti na rin lang talaga at may twitter or else baka ‘di niya mabati ang kanyang nanay.

HAPPY MOTHER’S DAY!

Speaking of Mother’s Day, isang happy Mother’s Day sa lahat ng ina na readers ng Pilipino Star Ngayon at sa lahat ng nanay sa mundo.

Happy Mother’s Day din sa aking dearest nanay na si Mrs. Rosalina Asis ng Rizal Sta. Elena Camarines Norte.

KARYLLE, YAEL AT VINA TATAKBO SA RUN FOR MOM

Magkasamang tumakbo sa ginanap na Run For Mom ng The Philippine Star sina Vina Morales, Karylle at Yael Yoson ng Spongecola.

Yup, mukhang sina Karylle at Yael na nga.

Ang Run for Mom ay ginanap kaninang umaga sa Venice Piazza at Mckinley Hill, The Fort, Global City.

Ang event ay bahagi ng celebration ng 25th anniversary ng The Philippine Star.

AGA MUHLACH

ANG RUN

ANGEL LOCSIN

DAY

NIYA

PHILIPPINE STAR

POKWANG

RHIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with