^

PSN Showbiz

Dennis at Heart nagkatuluyan na rin sa wakas!

-

MANILA, Philippines - Ilang buwang tinutukan ng mga manonood ang adventures ng pinaka-maliit na bida sa pinaka-ma­laking telefantasya sa primetime. Kaya sa nalalapit nitong pagtatapos, dapat abangan kung anu-anong mahahalagang hakbang at desisyon ang haharapin nang nag-iisang si Dwarfina.

Makakarating si Dwarfina/Yna (Heart Evangelista) sa Bundok ng Kamurayaw at dito niya mapapagtanto ang bigat ng tungkulin niya bilang tagapagligtas ng punso. Magawa kayang harapin ni Dwarfina ang responsibilidad na ito, o sumuko na lamang siya?

Muli rin niyang makakaharap ang malupit na si Romera (Angelika dela Cruz). Matutuklasan ni Dwarfina na pinaligiran na ng mga kawal ni Romera ang palibot ng bundok. Gagamitin ni Dwarfina ang kapangyarihan ni Dwentukin (Mico Aytona) para patulugin ang lahat at makatakas siya para harapin si Romera. Magawa pa kayang pigilan nina Lyndon (Dennis Trillo) si Dwarfina? Samantala, may sarili ring laban na susuungin si Lyndon sa kagustuhan nitong iligtas ang pinakamamahal niyang si Yna. Magdedesisyon siya at ang iba pa nilang kasamahan na sugurin ang palasyo, kasama si Gwendina (Pauleen Luna).

Syempre pa, dapat din subaybayan kung paano magtatapos ang makulay at matamis na love story nina Dwarfina at Lyndon. Makamit kaya nila ang happy ending nila sa huli? Piliin kaya nilang manatili na lamang sa punso o mamuhay ng normal sa mundo ng mga tao?

Ito at marami pang iba ang dapat abangan sa pagtatapos ng Dwarfina ngayong Biyernes, May 6, pagkatapos ng Captain Barbell sa GMA Telebabad.

vuukle comment

CAPTAIN BARBELL

DENNIS TRILLO

DWARFINA

HEART EVANGELISTA

LYNDON

MAGAWA

MICO AYTONA

PAULEEN LUNA

ROMERA

YNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with