^

PSN Showbiz

Pinakanakakagimbal na Saw, nasa video na!

-

MANILA, Philippines - Humanda sa pinakanakaka-kilabot na kabanata sa buhay nang napakalupit at napakasadistang si Jigsaw sa pelikulang Saw : The Final Chapter (a.k.a. Saw 7).

Pinakahuli at pinakamatindi sa napakamatagumpay na serye ng Saw, ito ay ini-release ng C-Interactive Digital Entertainment sa orihinal na video tampok ang lima pang features at mga eksenang hindi napanood sa sinehan.

Sa istorya, isang grupo ng Jigsaw survivors ang nagsama-sama at humingi ng tulong sa spiritual guru na si Bobby Dagen. Kanya-kanya silang kuwento ng mga naging karanasan at mga bagong pangyayaring bumabagabag sa kanilang kamalayan. Pero may itinatagong lihim si Bobby na labis nilang ikagigimbal.

Huli na ang lahat nang madiskubre nilang bahagi na pala sila ng mapa­nganib na laro ng demonyo. Bawa’t isa ay hahabulin ng kalawit ni kamatayan sa pinakamasamang paraan… may maliligtas pa kaya?

Babala : Kung mahina ang puso, huwag panoorin nang nag-iisa ang video!

Ang Saw: The Final Chapter (a.k.a. Saw 7) sa VCD at DVD ay mabibili sa lahat ng outlet ng Astroplus, Astrovision, Odyssey at mga piling sangay ng National Book Store at Fully Booked. 

vuukle comment

ANG SAW

ASTROPLUS

ASTROVISION

BABALA

BAWA

BOBBY DAGEN

C-INTERACTIVE DIGITAL ENTERTAINMENT

FINAL CHAPTER

FULLY BOOKED

NATIONAL BOOK STORE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with