^

PSN Showbiz

Pagkagaling ng Amerika, Enchong sa puntod ni AJ dumiretso

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Isa si Enchong Dee sa mga pinakamalalapit na kaibigan ng yumaong young actor na si AJ Perez.

Hindi nakapunta o nakabisita si Enchong sa burol o libing ng kanyang kaibigan dahil hindi kaagad ito nakauwi mula sa Star Magic 18 US concert tour.

Hindi kaagad nakauwi si Enchong sa Pilipinas dahil kahilingan ito ng isang taong malapit sa kanyang puso na nasa Amerika. “It was my lolo who wanted me to stay longer sa New York,” sabi ni Enchong.

Pagkadating ng binata sa bansa ay agad siyang nagtungo sa puntod ni AJ sa Manila Memorial Park.

“The moment I arrived, pagkagising ko, pumunta kaagad ako sa puntod ni AJ. I want to pay respect to him, kumbaga that’s the least thing I can do for him. Tapos tumawag din ako kay Tito Gerry (ama ni AJ) para kamustahin siya. Mabigat pa rin. Hindi pa rin ako makapaniwala, the last time I saw him, inimbitahan niya ako sa isang get together nila, sabi ko nga parang hindi ko maisip, magkasama ’yung death at si AJ sa iisang sentence so mahirap talagang paniwalaan,” kuwento ni Enchong.

Hiling ng young actor na gabayan ang pamilyang naiwan ni AJ para makapag-move on ng mabilis.

“I think there’s a plan si God para sa kanya. There’s a purpose in anything that happens to us,” sabi pa ni Enchong.

Noong April 28 dumating ng bansa si Enchong.

Derek excited nang makilala ang ’kanong Ama ni Angelica

Kasama si Angelica Panganiban sa Star Magic artists na nagkaroon ng series of shows sa Amerika kamakailan.

Sinamantala na rin ng dalaga ang pagkakataon na ito para muling makita ang kanyang tunay na ama na si Mark Charlson na nakabase sa US.

Isinama ni Angelica ang iba pang kasamahang artista sa Star Magic nang magpunta sa kanyang ama para makipag-bonding.

“Ang naipakilala ko ay sina Pokwang at Maja (Salvador), nag-dinner kami kasama ng daddy ko, birthday din kasi ng tita ko. The following day, na-meet din ni Bea (Alonzo) ’yung dad ko after nung show.

“Actually silang lahat, sina Zanjoe (Marudo), John Lloyd (Cruz), Diether (Ocampo), Enchong (Dee), ipinakilala ko sa kanila ang daddy ko,” kuwento ni Angelica.

Samantala, nakatakda naman na bumisita sa Pilipinas si Daddy Mark para na rin makilala ang boyfriend ng kanyang anak na si Derek Ramsay.

Excited naman si Derek na ma-meet din ang daddy ng kanyang girlfriend.

“Sabi niya, when he goes here I have to drive him around. Sabi ko sure! Hopefully, makapunta siya this year, they’re planning to, if not kapag pumunta ako sa States ay kasama sa itinerary ko na puntahan ang daddy ni Angel,” sabi naman ni Derek. Reports from James C. Cantos

AMERIKA

ANGELICA PANGANIBAN

DADDY MARK

DEREK

DEREK RAMSAY

ENCHONG

ENCHONG DEE

JAMES C

STAR MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with