P50,000 para sa Himig Ariel Scholar
MANILA, Philippines - Sa halagang P50,000, ang sinumang may hilig kumanta at interesadong gawing karera ang pag-awit ay maaaring magsanay sa ilalim ng Himig Ariel Scholarship Program.
Ito ang ipinahayag ng proponent mismo na si Atty. Ariel Inton na nagtatag ng grupo at ngayon ay may halos 5,000 members na. Ang scholarship program ay inumpisahan may tatlong taon na ang nakakaraan noong konsehal pa ang abogadong mahilig tumulong sa mga batang mayroon talento, ngunit hindi nagkakaroon ng pormal na pagsasanay sa pag-awit dahil sa kakapusan sa buhay.
Ang Himig Ariel Scholars ay mayroon nang self-titled CD album kung saan nakapaloob ang dalawang hit singles na pinamagatang Sinusuyo, Niyayakap at Pahiwatig na sadyang nilikha para sa mga kabataang mang-aawit na ito.
Prodyus ang album ng Ariel Enrile-Inton Productions sa pakikipagtulungan ng XITI International Treading Company at release ng Concord Records.
Ang singing workshop ay isinasagawa at tumatanggap pa rin ng mga mag-aaral lalo na ngayong summer season. Magsadya lang sa tanggapan ng AIT Boses Training Studio na matatagpuan sa 4 Blk 1 Urdaneta Street, New Intramuros Villages, Diliman, Quezon City o dili kaya’y tumawag kay Atty. Inton mismo sa cellular number 0920-9280847.
- Latest