^

PSN Showbiz

Solenn hindi nakatiis sa pang-aapi ng asawa't biyenan

-

MANILA, Philippines - Nagbabalik ang Queen of Asianovela na si Kim Jung Eun, hindi lang para magpakilig, kung hindi para makipagrakrakan gabi-gabi sa primetime sa pagsisimula ng pinakabagong Koreanovelang handog ng ABS-CBN - ang I am Legend.

Minahal siya bilang Vivian sa Lovers in Paris, Lulu sa Princess Lulu, at Jackie sa Lovers, at ngayon muli ninyong mamahalin ang tinaguriang alamat na ng larangan ng Asianovelas bilang si Solenn, isang simpleng housewife na matapos iiwan ang asawa ay tinuloy ang pangarap na maging isang rockstar.

Simula ng ikasal siya sa ubod ng yamang abogadong si Jerrod Cha (Kim Seung Soo), kontrolado na ang buong buhay niya ng kanyang asawa at ma­ging ng kanyang biyenan.  Tiniis niyang lahat hanggang sa isang araw ay pumig­las na si Solenn nang pinagbawalan siya ng mga ito na suportahan ang may sakit niyang kapatid.

Ngayong malaya na siya uli, babalikan ni Solenn ang kanyang tunay na mahal— ang musika.

Kasama ang kanyang mga kaibigan, bumuo sila ng banda at sabay-sabay nilang tatahakin ang daan patungong kasikatan.

 Sa pagpasok din ng band manager na si Tristan (Lee Joon Hyuk) sa buhay ni Solenn, tatahakin din kaya niya ang daan patungo sa bagong pag-ibig?

Ano ang gagawin ni Solenn kapag nakipagbalikan sa kanya ang dating asawa na si Jerrod?

Huwag palalampasin ang pagbabalik ni Kim Jeung Eun sa I am Legend, ngayong Lunes na (May 2) pagkatapos ng Green Rose sa Primetime Bida ng ABS-CBN.      

GREEN ROSE

JERROD CHA

KIM JEUNG EUN

KIM JUNG EUN

KIM SEUNG SOO

LEE JOON HYUK

PRIMETIME BIDA

PRINCESS LULU

SOLENN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with