Bunso ni Vilma naiinggit sa kita ni Luis!
Kung hindi lamang marahil nauna nang itakda ni Gob. Vilma Santos na kinakailangan munang makatapos ng pag-aaral ng kanyang mga anak bago sila sumabak sa pag-aartista, baka nag-aartista na rin ang bunso niyang si Ryan Christian. Nai-inspire ito sa magandang takbo ng career ng kanyang kuya Luis Manzano.
Mabilis naipa-renovate ni Luis ang bahay nila sa Green Meadows na ibinigay dito ng kanilang ina kung kaya nai-encourage rin siya sa magandang kinikita ng kapatid mula sa kanyang trabaho.
Supportive naman si Vilma sa kanyang anak, hindi lamang sa balak nitong pag-aartista kundi maging sa pag-entra nito sa pulitika.
Pero katulad ng regulasyon na pinaiiral nito at sinusunod sa kanilang kabahayan at sinunod din ni Luis, kailangang unahin nito ang kanyang pag-aaral. Kailangan din niyang makatapos ng kolehiyo.
* * *
Sina Bea Alonzo ( Sa ‘Yo Lamang), Anne Curtis (In Your Eyes), AiAi delas Alas (Tanging Ina Mo, Last Na ‘To), Angelica Panganiban (Here Comes the Bride), Lovi Poe (Mayohan ), Lorna Tolentino ( Sa ‘Yo Lamang), at Dawn Zulueta (Sigwa) ang mga napiling nominado para sa Best Actress sa nalalapit na Star Awards for Movies ng Philippines Movie Press Club o PMPC.
Kung inaakala n’yong walang itulak kabigin sa pitong magagaling na aktres, wait till you see the actors who made the list for Best Actor nominees : John Lloyd Cruz (Miss You Like Crazy), Christopher de Leon (Sa ‘Yo Lamang), Baron Geisler ( Donor), Coco Martin (Noy), Yul Servo ( Rosario), at Fanny Serrano (Tarima).
Hindi ba magagaling silang lahat at mahirap piliin kung sino sa kanila ang pinakamagaling?
Ang mga napili namang pinakamagagandang movies ay ang Emir, Here Comes the Bride, Rosario, Sa ‘Yo Lamang, SRR 12 (Punenarya episode), Tanging Ina Last Na ‘To.
* * *
Kumakanta ba kayo pero, hindi professionally? May ibinibigay na libreng singing workshop si QC Councilor Ariel Inton na pinapatnubayan ng isang kapatid sa hanapbuhay na si Junne Quintana. Kung interesado kayo ay tawag lamang sa 0920-9280847.
* * *
Nangangamba raw ang ama ni Heart Evangelista sa paglalim ng relasyon nito kay Daniel Matsunaga. Ito nga ba ang dahilan kaya niya gustong tulungan sa negosyo ang dalawa for a start? Sasagutin ito sa Showbiz Central ngayong hapon, plus, makukuha pa ang reaksiyon ni Daniel for the said kind gesture.
Magku-krus muli ang landas nina Jolina Magdangal at Bebong Muñoz. I’m sure walang hindi gustong makapanood ng kaganapang ito.
Alamin din kung sino ang kontrobersiyal na showbiz couple na na-involve nun sa isang love triangle pero naghiwalay din.
Alamin ang buong detalye ngayong hapon sa SC.
- Latest