^

PSN Showbiz

Karylle seryoso na sa bokalista

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Nagpapamalas na ng maturity si bossing Vic Sotto sa pamamagitan ng pagiging cool sa napapabalitang bagong karelasyon ng ex niyang si Pia Guanio at sa napipinto nitong pag-aasawa. Sa halip na ipamarali na meron na rin naman siyang naha­nap na bago, silent lang siya sa lahat ng kaganapan. At wala namang nakikitang ilangan, animosity o anumang pagbabago sa relasyon nila ni Pia, kahit ngayong hindi na sila. They are professional enough na itago ang mga damdamin nila.

Lately naging ge­nerous na si bossing Vic sa feelings niya. Bagaman at sinasabi niyang zero ang love life niya dahil wala pang ispesyal na babae sa buhay niya at wala pang kapalit si Pia sa puso niya, hindi isang babae lamang ang nagpapasaya sa kanya ngayon, kundi ang mga anak niya, kasamahan sa trabaho at mga kaibigan. Hindi na raw siya makasarili ngayon. Araw-araw niyang ipinagdarasal hindi ang sarili niya kundi ang mga mahal niya at nagmamahal sa kanya.

*    *    *

Pang-promo lang pala ‘yung pinakulong isyu kina Sarah Geronimo at Matteo Giudicelli para sa pelikulang ginawa nilang magkasama na dinumog naman ng manonood sa takilya.

Katunayan na hindi nga sila ay ang pagbibigay ni Matteo ng balita hinggil sa pagkakadala kay Maja Salvador sa ospital. Ibig sabihin lang, nagbabantay siya rito. Siya rin ang nagsabing okay na ito at nagpapahinga na lamang. Dahil sa sobrang pagod at init kaya ito nanghina at dinala ng ospital ang aktres.

Hay, ang pag-ibig nga naman. Buti na lang, hindi pinagbabawalan si Matteo na ma-in-volve kay Maja dahil baka makasira sa image nito kung  unavailable na siya.

*    *    *

Si Karylle rin yata, mukhang seryoso na sa soloista ng bandang Spongecola. Hindi na niya itinatago ang maganda nilang relasyon at bagaman at sinasabi niyang friends sila, marami ang nagsasabing higit pa rito ang relasyon nila.

Hindi na nila itinatago ang madalas nilang pagsasama at sa bagong album na ginawa ni Karylle, may special song siyang kinompose for Yael. O ano pang ibig sabihin nun?

Well, I’m happy for her, naka-move on na siya talaga. At sana permanente na ito. Pero kung hindi man at least, she’s happy now! Nakakagawa pa siya ng kanta ngayon. Eh si Dingdong Dantes ba, nagawan niya ng song?

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MAJA SALVADOR

MATTEO

MATTEO GIUDICELLI

NIYA

SARAH GERONIMO

SI KARYLLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with