Hindi lang iisang babae, Vic Sotto masaya sa love life
Noong Huwebes ay nagkaroon ng special birthday celebration sa Eat Bulaga si Vic Sotto.
Na-sorpresa si Bossing nang dumating sa nasabing show ang co-stars niya sa Pak! Pak! My Dr. Kwak! na sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat para batiin siya sa kanyang kaarawan. “I’m so happy and I was not expecting na darating sila to greet me a happy birthday, tapos nakitambay sila, naglaro kami,” kuwento ni Vic.
Masayang-masaya raw ang blockbuster king dahil sa lahat ng blessings na kanyang natatanggap. “Hindi naman puwedeng tanggap ka nang tanggap, I’ve been blessed with so many things in life, para sa akin kahit sa araw-araw na pagdarasal ko ang aking pinagdarasal lagi ay ang aking kapwa, ang aking mga anak, pamilya, aking mga kaibigan, mga kababayan, at higit sa lahat world peace,” nakangiting dagdag pa ni bossing.
Sa ngayon ay sobrang kuntento na si Vic sa kanyang buhay kahit wala raw siyang loveife. “Love life? I have no complaints, I take it a day at a time. I’ll just go with the flow, alam ko namang maraming nagmamahal sa akin. It doesn’t really matter kung zero ang love life ko. For me kapag sinabing love life, it doesn’t refer to one person, for me kapag sinabing love life nandiyan na ‘yung anak mo, nandiyan na ‘yung pamilya mo, ‘yung mga kaibigan mo, ‘yung mga nae-entertain mo, ‘yung mga napapatawa mo, ‘yung mga napapaiyak mo, for me that’s my love life,” seryosong paliwanag pa ni Vic.
Sen. Chiz hindi totoo hanggang ngayon, Pops wala pa ring makuhang kapalit ni Martin
Kamakailan ay napabalitang hiwalay na diumano si senator Chiz Escudero sa asawa nitong si Christine Elizabeth Flores. Ngayon ay si Pops Fernandez naman ang bagong babaeng iniuugnay sa senador dahil nakita raw ang dalawa na nakasakay sa isang kotse habang namamasyal. “Hindi totoo ‘yun! I’ve never met him so how can I be seeing him or dating him? I really really don’t know him so it’s impossible. That’s when you say tsismis can really be tsismis, even me I’m shocked,” pahayag ni Pops.
Aminado rin ang concert queen na single pa rin daw siya hanggang ngayon.
Cesar Montano, magdi-direk ng isang foreign film
Inimbitahan ng isang Hollywood writer na si Donald Martin si Cesar Montano na magdirek ng isang international film.
Ito ay isang malaking proyekto na pinaghahandaan ngayon ni Cesar. “Itong writer na si Donald Martin, siya ‘yung writer ni Al Pacino right now. He wrote Getting To America, siya ang nagsulat pero kuwento ng Pilipino. Tapos ang gusto niya, ako ang magdirek, hahanap ako ng artist to do it,” maikling pahayag ni Cesar. –Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest