Pinay sa kasal nina Prince William at Kate Middleton hindi nakita sa rami ng bisita
Feel na feel ko ang panonood kahapon sa TV ng live coverage sa royal wedding nina Prince William at Kate Middleton.
Nag-enjoy ako nang husto sa pagtingin sa mga bonggang hat na suot ng mga bisitang babae.
Nag-iisip na nga ako kung gagamit ako ng hat sa Startalk ngayong hapon dahil sa pakiramdam ko na nakakadagdag ng respeto ang mga sumbrero.
Sosyal ang mag-asawang David at Victoria Beckham dahil invited sila sa royal wedding.
Guwapung-guwapo ako kay David dahil pumayat siya at nagbago ang kanyang aura. ‘Yon siguro ang effect ng coming soon baby girl nila ni Victoria dahil all boys ang kanilang mga anak.
Halos dalawang libo ang invited guests sa kasal nina Prince William at Kate.
Kabilang sa mga imbitado si Lillie Piccio, ang dating yaya ni Prince William. Sa rami ng mga bisita, hindi ko nakita sa TV ang face ng nag-iisang Pinay na invited sa historical occassion.
Take note, personal na kakilala ni Papa Ricky Lo si Lillie dahil magkaibigan sila. Nagkaroon pa ng chance si Papa Ricky na mainterbyu si Lillie nang magbakasyon ito sa Pilipinas noong March 2011.
‘Nay Lolit na nanghaharbat at naninira sa Facebook at Twitter, PEKE!
Nakatulong ang panonood ko sa royal wedding para mabawasan ang pagkaimbyerna ko sa isang impostora na ginagamit ang pangalan ko sa Twitter.
For the nth time, wala akong Twitter o Facebook account. Hindi ako ang Lolit Solis sa Facebook at lalong hindi ako si Nay Lolit ng Twitter.
Isa lang ang pakiusap ko sa mga artista, huwag kayong sumagot sa Nay Lolit na nagpapadala sa inyo ng mga Tweet dahil hindi ako ‘yon!
Hindi ako si Nay Lolit na nanghaharbat sa Twitter o ang Nay Lolit na nag-dialogue na nami-miss ko na si Aiko Melendez bilang co-host ng Startalk.
To top it all, hindi ako ang Nay Lolit na naninira kay Bulacan Mayor Patrick Meneses dahil hindi kami magkakilala.
Walang dahilan para siraan ko siya ‘no!
May paeklay ang pekeng Nay Lolit na may Twitter account ako at may secretary ako na taga-Tweet ng aking mga message.
Correction please, wala akong secretary na inuutusan na mag-tweet. Hindi ko kailangan na magkaroon ng Twitter account dahil malaya kong naisusulat sa mga column ko sa PSN at PM ang lahat ng gusto kong sabihin.
Natawa ako kay Lorna Tolentino dahil tumawag siya sa landline ko noong Huwebes. Kinausap ni LT ang aking kasambahay at tiniyak niya na wala akong Twitter account, computer, o laptop sa bahay.
Nabasa rin kasi ni LT ang mga tweet ng pekeng Nay Lolit at dahil alam niya ang katotohanan, siya mismo ang nagsabi sa mga nagtatanong na wala akong Twitter account.
Sasamantalahin ko mamaya ang pagkakataon sa Startalk dahil sasabihin ko sa televiewers na wala kaming Twitter o Facebook accounts ni Papa Ricky Lo na biktima rin ng isang impostor.
Kailangang mabigyan ng babala ang lahat bago pa tumindi ang demands at panghaharbat ng fake na Nay Lolit.
- Latest