Rufa Mae at Erik, nagkabalikan na?
May mga naglabasang balita na nagkabalikan na raw ang dating magkasintahan na sina Rufa Mae Quinto at Erik Santos.
Ano na nga ba ang tunay na estado ng relasyon ng dalawa sa ngayon at bakit napabalitang muli silang nagkakamabutihan? “Hindi, kumbaga kami we’re friends, very good friends at na-maintain namin ‘yung friendship na iyon. Sa tuwing kailangan niya ako, sa mga oras na ganun na malungkot siya, alam naman niya na I’m just a text away di ba? Nagkaka-text kami pero hindi, hindi kami nagkabalikan,” paglilinaw ni Erik.
Aj Perez, may iniwang pangako kay Bugoy!
Bukas ay mapapanood na sa Maalaala Mo Kaya ang pinakahuling pagganap sa telebisyon ng yumaong aktor na si AJ Perez.
Ang istorya nito ay tungkol sa mga pinagdaanan ng magkapatid habang sila ay naglalakbay mula Maynila hanggang sa probinsiya ng Samar.
Si Bugoy Cariño ang gumanap bilang nakababatang kapatid ni AJ sa nasabing kuwento.
Mayroon daw magagandang alaala si Bugoy sa maikling panahon na nakasama niya ang kanyang kuya AJ habang sila ay nasa taping. “Mabait po siya, tinutulungan niya po ako kapag nagla-lines po kami. Mapagbigay siya, binibigyan niya ako ng pagkain, tinutulungan niya ako sa mga lines ko, mabait po siya,” kuwento ni Bugoy.
Sa sandaling nagkasama sina AJ at Bugoy ay naging malapit na raw sila sa isa’t isa. Mayroon daw iniwan na isang pangako si AJ para kay Bugoy. “Manonood po kami ng concert ni Justin Bieber, tapos pinakanta niya po ako sa van,” dagdag pa ng batang aktor.
Ryan Bang, gustong ligawan ang anak ni Pokwang
Magkasama sina Pokwang at Ryan Bang sa programang Banana Split at kamakailan ay isinama ni Pokwang ang kanyang anak na si Mae sa taping ng nasabing comedy show.
Nakita ni Ryan si Mae noon at agad itong nagandahan sa dalagang anak ni Pokie. Ngayong wala namang girlfriend si Ryan ay may posibilidad kayang ligawan ng binata si Mae? “Hindi siguro, hindi ko alam eh pero puwede ‘no! takot ako ate Pokie baka sapok ako,” natatawang pahayag ni Ryan.
“Kasi yung Banana Split taping kita ko ‘yung babae, maganda, sexy, tapos tanong ako, sino ba ‘yung babae? Tapos sabi nila anak ni Ate Pokie. Siyempre usap ako, sabi ko ate Pokie kapag pupunta na ‘yung anak mo sa prom ako na partner, pero maganda ate Pokie,” kuwento pa ni Ryan.
Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest