^

PSN Showbiz

Ogie dusa rin sa pagbubuntis ni Regine

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Wala namang reklamo si Ogie Alcasid pero inaamin niyang hirap siya sa pagbubuntis ng kanyang asawang si Regine Velasquez. Kailangan kasi ng asawa ng dobleng pangangalaga at hindi kailangang mapagod kaya alalay niya itong mabuti. Kahit pumunta lang ng CR ay nakaalalay siya rito. Basta kinaila­ngang tumayo ng asawa, palagi siyang nasa tabi nito. Pitong buwan na lamang at isisilang na ni Regine ang panganay nila kaya excited na siya.

Kung si Ogie ay hindi namimili ng magiging gender ng anak nila, open si Regine sa pagsasabing gusto niya ng anak na lalaki at isusunod niya ang pangalan nito sa asawa na isang Jr. Kaya magiging ikatlong Herminio na kung sakali ang magiging anak nila. Sa halip na Herminio Alcasid III, sinabi naman ni Ogie na isasama na lamang nila ang pangalan ng ama ni Regine kaya magiging Herminio Gerardo Alcasid ang magiging baby nila, kung lalaki ito!

 Hamburger ang pinaglilihihan ni Regine kaya panay ang order ni Ogie nito sa isang five star hotel.

* * *

Inaamin ni Cristine Reyes na iba sa mga nakarelasyon niya ang present boyfriend niyang si Rayver Cruz. Feel niya ang pagmamahal nito sa kanya, totoo raw at walang halong pagkukunwari.

Bagaman at maituturing pa ring bago ang relasyon nila, ka-bonding na nila ang pami-pamilya nila. 

Malaking impluwensiya si Rayver sa pasya ni Cristine na bawasan na ang pagtanggap ng sexy roles. Ibinigay niyang dahilan ang pagiging mature na niya at marunong nang pumili ng roles na makakapagpaangat sa kanyang career. Hindi ‘yung nagpapamalas lamang ng kanyang kaseksihan.

* * *

Totoo bang kaya pinutol ni Yeng Constantino ang buhok niya ay dahil depressed siya sa kanyang love life? Eh ano ba kasi ang silbi ng kanyang co-host sa MULive na si Tutti Caringal? Akala ko ba may gusto ito sa kanya? Marami na silang followers na dalawa na gustong makitang sila na sa tunay na buhay.

Mukha namang zero rin ang love life ng kanyang co-host at  aktibong drummer ng 6Cyclemind. So ano ang humahadlang para maging sila?

Malayo na ang image ni Yeng ngayon sa unang Yeng na namalas ng lahat sa PDA ng ABS-CBN. Napakamahiyain pa niya nun at kung nagsusuot man  ng shorts ay ‘yung napakakonserbatibo namang bersiyon.

Pero lately, bumabanat na siya ng short shorts, na mas maikli pa sa shorts ng isa pa niyang co-host sa MULive na si Gie Canlas. At hindi na siya mahiyain.

Pero pansin ang pagkakailangan nila ni Tutti. Senyales ba ito ng nararamdaman nila sa isa’t isa?  

Umayos nga kayong dalawa.

vuukle comment

CRISTINE REYES

GIE CANLAS

HERMINIO ALCASID

HERMINIO GERARDO ALCASID

NILA

NIYA

OGIE

OGIE ALCASID

PERO

RAYVER CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with