Kris kinakawawa si Jay
Isa pang hindi mailitaw-litaw ang kanyang karelasyon ay itong si Kris Bernal. Kung ako ang boyfriend niya, sasama ang loob ko. Marahil ang pangyayaring naka-display naman ang picture niya ang nagpapalubag ng loob ni Jay Perillo na pinaniwalaan ng lahat na karelasyon niya.
Wala na rin naman silang pag-asang magkaroon pa ng relasyon ni Aljur Abrenica ng higit pa sa pagiging magka-loveteam. Meron ng Kylie Padilla ang actor, kaya dapat aminin na ni Kris na more than friends sila ni Jay. This will set her free. Hindi na niya kailangang itago pa si Jay. Matagal nang tanggap ng mga fans niya at ng mga fans nila ni Aljur ang katotohanang ito.
* * *
Balita pa ba na makita si Pia Guanio na kumakain sa isang restoran kasama ang kanyang boyfriend? Matagal nang alam ng marami na napalitan na si Bossing Vic Sotto sa puso niya. Naka-move on na silang pareho sa naging hiwalayan nila. Katunayan, si Bossing Vic naman daw ay may bago na ring karelasyon na isang flight stewardess.
Hindi kasi tayo sanay sa mga dating magkakarelasyon na madaling nakaka-move on. Parang mas gusto nating makita sila na hindi makabangon sa kanilang kinalugmukan.
They deserve to be happy. Si Pia is considering marriage na raw with her boyfriend. Ganito rin kaya ang feeling ni Bossing?
* * *
Napatunayan ni Aljur Abrenica na there is life after Machete. Kung bakit naman kasi parang inaasahan ng marami na dahil hindi ito naging matagumpay bilang Machete ay tumigil na ang mundo para sa kanya.
Siya ba ang dapat sisihin sa hindi magandang naging takbo ng serye? Siya lang ba? Ibinigay naman niya lahat ng hiningi sa kanya. Nagpalaki siya ng katawan, pinagbuti ang kanyang acting kahit hindi ito naging pabor sa marami. Pero hindi ibig sabihin ay nagpabaya siya.
Mabuti naman at nakita ng GMA ang ginawa niyang effort.
Nagtataka lang ako, bakit marami ang gusto siyang pabagsakin. Sa halip na tulungan siyang umangat ay pilit siyang itinutumba pa. Bakit kaya?
- Latest