Pelikula ng Pinay child actress sa Hollywood gagastusan ng $15M
Walang makapilit na sumali sa mga beauty contest ng anak ni former Miss Universe Gloria Diaz na si Isabelle Daza. Mas pabor ito sa pinasok niyang pag-aartista. After ng kanyang bonggang launching, kasalukuyan itong nagpi-pinch hit kay Pia Guanio sa 24 Oras bilang host ng entertainment segment ng nasabing news program.
Napag-uusapan na rin lamang ang beauty contest, pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon si Bb. Pilipinas Universe Shamcey Supsup, hindi lamang dahil kakaiba ang kanyang pangalan kundi dahil puro siyang Pinay, walang nananalaytay na dugong banyaga sa kanyang katawan.
Solong anak ang nakatakdang sumabak sa Miss Universe contest. Isang engineer ang kanyang ina at farmer naman ang kanyang ama. Twenty four years old siya at may taas na 5’7 ½” .
Nasisiyahan din ang kalalakihan nang malaman na libre si Shamcey, walang boyfriend pero maraming nanliligaw.
* * *
Hindi na mabilang kung ilang ulit na nag-concert sa bansa ang grupong Air Supply.
Mapapanood silang muli sa ilang pagtatanghal sa bansa – sa Aliw Theater sa May 10, Cebu Waterfront Hotel, University of Baguio at CCC Recreation sa Toledo City.
Meron bang hindi nakakaalam ng mga kanta nilang I’m All Out of Love, Making Love Out of Nothing At All, Lost in Love, Every Woman in the World at napakarami pa.
* * *
Mayroon na naman tayong ipagmamalaking kababayan sa Hollywood. Siya si Hailee Steinfeld, ang 14 years old na nabigyan ng nominasyon sa Oscars for Best Supporting Actress sa kanyang pagganap sa remake ng True Grit na pinasikat ng legendary actor na si John Wayne.
May dalawang malalaking movies na gagawin si Hailee, ang Romeo & Juliet at Sleeping Beauty, na palalakihin pa sa remake kesa sa orihinal na bersiyon.
Kaya siguradong malaki pa ang iaangat ng career ni Hailee at hinuhulaang magiging isang malaking pangalan tulad ni Drew Barrymore na nagsimula rin bilang child star.
May budget na $15M ang istorya ni William Shakespeare (Romeo and Juliet) na kukunan ng buo sa Italya.
- Latest