^

PSN Showbiz

Kim at Gerald para raw mag-asawa sa Amerika

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Balitang malakas ang opening day ng pelikulang Pak! Pak! My Dr. Kwak! starring Vic Sotto and Bea Alonzo. Kahapon, Black Saturday, nagbukas sa mga sinehan ang pelikula ng Star Cinema na Graded B ng Cinema Evaluation Board.

Dalawang araw sarado ang mga sinehan kaya malamang nagdagsaan ang mga tao kahapon.

Bago ipinalabas ang pelikula, halos isang buwan sa mga sinehan ang Catch Me...I’m In Love na pelikula nina Sarah Geronimo and Gerald Anderson.

Speaking of Gerald, habang ang sambayanan ay nakikiisa sa Semana Santa, hindi naman nagtika ang mga fans nina Gerald and Kim Chui, kahit Mahal na Araw ay panay ang pagpapadala nila sa e-mail tungkol sa kanilang idolo. Kahit parang iisa lang naman ang pinanggagalingan ng sulat. Talagang blinded sila sa idea na sina Gerald at Kim na.

Kasalukuyang kasama sa Star Magic concert tour ang dating magka-love team. Parating magkasama ang dalawa sa mga lakad sa Amerika. In other words, pinalalabas ng mga fans na nagi-e-mail na sila pa rin. Kesyo magkayakap ang dalawa at holding hands na naglalakad. Daig pa raw ang mag-asawa kung maglambingan, say pa sa e-mail ng mga fans.

Yup, as if nasa Amerika ang fan at sinusubaybayan ang bawat kilos ng kanilang idolo.

Kung sabagay, hindi na bago ang ganitong kuwento ng mga fans ng dalawa na kabaligtaran usually sa ginagawa ng kanilang idolo.

***

 Maligayang Linggo ng Pagkabuhay sa lahat!  

AMERIKA

BEA ALONZO

BLACK SATURDAY

CATCH ME

CINEMA EVALUATION BOARD

DR. KWAK

GERALD ANDERSON

GRADED B

IN LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with