^

PSN Showbiz

Kris, James at Baby James pare-parehong multi-millionaire

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

’Kakainggit naman pala ang maraming celebrities natin, ang dami ng milyon sa bangko. Ito ay mga kinita lamang nila sa mga ginawa nilang product endorsements o komersiyal at hindi pa kasali ’yung mga acting projects nila.

Tulad ng dating mag-asawang Kris Aquino at James Yap. Kukulangin sa P100M ang pinaghatian nila bilang conjugal properties, puwera pa ’yung mapupunta sa anak nila na si Baby James.

Hindi na kukuwestyunin pa ang dating Mr. & Mrs. Dahil sikat pa sila ngayon, lolobo pa ito. Si James marami pa ring kikitain sa basketball. Lalo na ang mag-ina niya na marami ring komersiyal na magkasama.

May nagtatanong, papayagan daw ba ni Kris si Baby James na gumawa ng commercial with his dad? Bakit naman hindi, eh tatay din naman siya ng bata? Unless may kontrata na pinirmahan si Kris na silang dalawa lamang ang puwedeng mag-endorse ng produkto na magkasama. Na-remember ko na may ginawang isang magandang komersiyal ang mag-ama para sa isang insurance company. Sayang naman kung hindi ’yun mauulit.

***

Tama na mag-concentrate na muna si Sunshine Dizon sa pag-aalaga sa kanyang anak na nagngangalang Doreen Isabel. Hindi naman niya kailangang magtrabaho, kaya silang suportahang mag-ina ng kanyang asawang si Tim Tan. At kung fulfillment naman ang kanyang hanap, may tatalo pa ba sa fulfillment na madarama ng isang ina sa pag-aalaga  ng kanyang anak? I know, my late mom used to tell us her children, na pinakamasaya siya when we were together.

’Pag malaki na si baby girl ni Sunshine at saka pinayagan siya ng mister, ’yun puwede na siyang bumalik. Hindi ba, Mommy Dorothy?

BABY JAMES

BAKIT

DOREEN ISABEL

JAMES YAP

KRIS AQUINO

MRS. DAHIL

SI JAMES

SUNSHINE DIZON

TIM TAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with