^

PSN Showbiz

Sam at Enrique awat muna sa bangayan

-

MANILA, Philippines - Matapos pahangain ang mga manonood sa kanilang galing sa pagsasayaw, ibinida naman nina

Sam Concepcion

at

Enrique Gil

ang kanilang husay sa pag-arte sa kanilang komprontasyon sa nakaraang episode ng

Good Vibes

.

Sa kanilang mainit na sagutan ay nadama ang sakit na dinadala ng kanilang mga karakter na si Marc (Sam) at Troy (Enrique), na pawang magkapatid sa ama.

Pero sa darating na Easter Sunday (Abril 24), ceasefire muna ang dalawa sa Holy Week Special ng bagong paboritong youth-oriented program ng bayan.

Samahan ang tropa nina Marc at Troy sa kanilang pagtatayo ng isang fundraising event para sa Childhaus, ang tuluyan ng mga batang may malubhang sakit. Malapit sa puso ng yumaong ina ni Troy ang Childhaus kaya naman naisipan ng grupo na tulungan ito.

Samantala, magkakabukingan na sa totoong dahilan ng paghihiwalay nina Marc at Monique (Coleen Garcia).

Ang kanilang mabuting asal sa loob at labas ng programa marahil ang dahilan kung bakit dagsa rin ang magandang reviews sa kanilang show. 

Panalo rin ang Good Vibes noong nakaraang Linggo (April 17) base sa Kantar Media. Nagtala ang show ng rating na 11.3 percent kumpara sa 9.8 percent ng Tween Hearts ng GMA 7.

vuukle comment

CHILDHAUS

COLEEN GARCIA

EASTER SUNDAY

ENRIQUE GIL

GOOD VIBES

HOLY WEEK SPECIAL

KANILANG

KANTAR MEDIA

SAM CONCEPCION

TWEEN HEARTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with