^

PSN Showbiz

Vic Sotto bitbit ang bagong gf sa Canada

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

May nagtanong na kaopisina ko, ano ba raw ‘yung Royal wedding at lahat ng channel ay may coverage.

Bakit daw nagkakagulo ang mga local channel natin – ABS-CBN, GMA 7, TV5, Studio 23, ANC, GMA News Channel sa promo ng kanilang coverage.

Ano ba raw meron kina Prince William of Wales and Kate Middleton eh hindi naman daw sila kilala ng maraming Pinoy.

Actually, may punto siya. Pero hindi lang siguro niya na-appreciate na parang isang kuwento ng pelikula na napapanood natin at nababasa sa libro ang magaganap na kasalan sa April 29.

Imagine nga naman, isang ordinary girl si Kate na pakakasalan ng isang prinsipe sa palasyo. Sa pelikula lang natin ‘to napapanood.

Anyway, bukod sa coverage sa mga TV channel, live sa internet ang kasalan.

Yup, may live streaming sa You Tube’s Royal Channel ayon sa online report. Gagamit din ng Facebook. Twitter and Flickr at inaasahang 2 billion ang manonood ng kasalan.

At ang pinaka-latest na balita, hindi puwedeng makita ng Prince ang gagamiting wedding dress ng pakakasalan niyang si Kate hanggang sa oras ng kasalan Westminster Abbey.

Ayon pa sa report ng Daily Mirror, para sa mga manonood, aalis ng Mayfair’s Goring Hotel si Kate kasama ang kanyang amang si Michael ng 10:51 a.m. at magkakaroon ng siyam na minutong paglalakbay sa kahabaan ng Mall sakay ng Rolls Royce Phantom VI.

At kahit may mga cameras and screens na naka-set up sa Abbey, wala pa ring chance na makita ni Prinsipe ang damit na suot ng mapapangasawa hangga’t hindi ito lumalakad sa aisle.

Kaya magkakasya muna si Prince William at kapatid niyang si Harry sa maliit na bahagi ng St. Edmund at palalabasin sila ilang segundo na sakto na 11:00 a.m. entrance ni Kate ayon pa sa report ng Daily Mirror.

Dagdag pa sa report : “A source said yesterday: “There won’t be anyone stopping filming of Kate’s dress as she leaves the Goring Hotel. She will be in full view. If William didn’t go into the side chapel there is a chance he could catch a glimpse of Kate on one of the cameras so it was the safest option.

“It was either that or put a blanket over his head.

“Kate is determined he won’t see the dress until she walks down the aisle,” sabi pa sa online report.

Isa pang interesting na kuwento na na-encounter ko about the wedding ay ang reklamo ng isang kapangalan ng magiging prinsesa. Hindi ko maalala kung saan ko napanood pero sa isang channel na special feature ang nasabing kapangalan ni Kate Middleton na hanggang sa pagha­hanap niya ng trabaho ay parating si Prince William ang hina­hanap sa kanya noon.

Pero ang nakakaaliw na kuwento, hindi pala niya tipo ng lalaki ang prinsipe.

Hahaha. 

Kasama pa sa website ng Royal wedding na si Kate na tatawagin sa tunay na pangalan na Catherine, ang pinakamatandang Royal bride sa edad na 29.

Eighteen na kabayo rin ang balitang kasali sa Carriage Procession.

Sa true lang nakaka-excite manood ng royal wedding. Sa kasal kasi noon nina Princess Dianne at Prince Charles, bata-bata pa tayo nun kaya hindi pa ganun kataas ang level of awareness sa nasabing kasalan.

* * *

Bitbit daw ni Vic Sotto sa Canada ang girlfriend niyang stewardess. Ayon sa source, nakitang kasama ni Bossing Vic sa airport ang nasabing girl na bagong dyowa ng TV host-comedian.

Ang nasabing stewardess ang ipinalit ni Vic kay Pia Guanio though naunang nagkaroon ng dyowa si Pia na nagngangalang Steve Mago. Pero hindi raw bitbit ni Pia si Steve sa Canada.

Kasalukuyang nasa Canada ang grupo ng Eat Bulaga para sa isang show sa Vancouver.

Hindi pa inaamin ng TV host-comedian ang tungkol sa bago niyang GF.

Sa interview sa kanya ni Charlene Gonzales sa The Buzz kamakailan, ang sabi niya : ‘I’m always available. Para akong karinderya. Ituro mo lang, iluluto ko. Hindi, joke lang,” sabay tawa ni Vic.

* * *

Masuwerte ang mga bata ngayon tuwing sasapit ang Mahal Na Araw. Hindi na sila nagbo-bore kumpara noon na wala kang mapanood sa TV dahil talagang off the air sila for two days.

Naalala ko noon sa probinsiya namin sa Bicol na wala kang puwedeng gawin tuwing Huwebes at Biyernes Santo kundi magpunta sa simbahan at mag-attend ng mga Pabasa. Pero ngayon, marami nang choices.

Ang mga TV and radio stations ngayon, hindi na uso ang off the air. In fact, patalbugan na rin sila ng palabas kahit naghihirap ang Diyos.

Noon pag ganitong panahon, bawal pang maligo at magpatugtog ng ma­lakas. Pero ngayon, sobra pa sa ligo ang ginagawa. Bakasyon grande ang turing ng marami sa panahon sana ng pagtitika.

Kung sabagay, kanya-kanyang paniniwala ‘yan.

* * *

Idedemanda ng ABS-CBN ang driver na sangkot sa aksidente na naging sanhi ng pagkamatay ng teen actor na si AJ Perez.

Ayon sa statement ni Mr. Bong Osorio, Head, ABS-CBN Corporate Communication, hindi nila empleyado ang driver, kundi isa itong service contractor ng ABS-CBN galing ng Southbend Express Services, Inc..

Ayon sa statement, matapos suriin ang mga detalye sa insidente, magsasampa ang ABS-CBN ng kasong reckless imprudence laban sa driver ng Southbend.

 Ito ay karagdagan sa naunang kasong inihain laban sa driver ng Partas bus.

AYON

DAILY MIRROR

GORING HOTEL

KATE

KATE MIDDLETON

PERO

PRINCE WILLIAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with