^

PSN Showbiz

Kahit hindi siya puwedeng pakasalan, Rufa Mae in love pa rin sa bf na pulitiko

RATED A - Aster Amoyo -

Isa si Sen. Jinggoy Estrada sa mga nabigla at nalungkot sa maagang pagpanaw ng young actor na si AJ Perez.  Ang promising young actor ay nakatrabaho ng batang senador sa pelikulang Kaibigan kung saan siya ang gumanap na anak ni Christopher de Leon.  Nakasama rin si AJ sa pelikulang Tanging Pamilya na pinagbidahan nina dating Pangulong Joseph Estrada at AiAi delas Alas sa ilalim ng Star Cinema.

Sa sandaling panahon niyang nakatrabaho ay nakitaan si AJ ni Sen. Jinggoy ng pagiging mahusay na aktor, mabait at professional sa kanyang trabaho.

* * *

Kung nagkakaipitan ng mga talents ang ABS-CBN at GMA 7 dahil sa ongoing network war, hindi rito kasali ang TV host-comedian cum producer na si Vic Sotto dahil wala siyang exclusive contract sa GMA.  Ang kanyang pagiging identified sa Kapuso Network ay dahil sa Eat Bulaga na parte ng mga programa ng GMA.

Masuwerte si Vic dahil sa kanyang pagiging non-exclusive contract star, libre siyang nakakalabas kahit saang network tulad ng GMA, ABS-CBN, at TV5.  May magkahiwalay siyang programa sa GMA at TV5 at nakakalabas naman siya sa ilang programa ng ABS-CBN.

May bagong movie si Vic under Star Cinema na co-production ng sarili niyang TV and movie outfit, ang M-Zet Productions, ang Pak! Pak! My Dr. Kwak! na idinirek ng paborito niyang director na si Tony Reyes. 

Hindi ikinakaila ni Vic na sobrang warm ang pagtanggap sa kanya sa Dos bagay na ikinatuwa niya lalo’t may ilang taon ding naging Kapamilya ang Eat Bulaga noon. Mapapadalas na kaya ang pagtapak ni Vic sa Kapamilya Network?

* * *

Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na nasa basement umano ng isang pagamutan sa Metro Manila ang isang tinitingala at award-winning aktres dahil sa depresyon?

Ayon sa aming source, hindi umano nakayanan ng nasabing aktres ang break-up nila ng kanyang karelasyon na nagmula sa isang kilalang angkan. Idagdag pa rito na wala siyang proyektong pinagkakaabalahan ngayon. Bukod sa kanyang lifestyle, may mga anak siyang binubuhay at sinusuportahan pero wala siyang regular na pinagkakakitaan.

Kapag gumaling na ang aktres sa kanyang depresyon, kailangan niyang bumangon muli sa tulong ng isang manager na kanyang paniniwalaan at makakapagbigay sa kanya ng bagong pag-asa.

* * *

Inamin noon ng singer-comedienne-TV host na si Rufa Mae Quinto na nakatakda siyang ikasal sa isang guy na nanatiling nakatago sa taguring na Mr. M. pero natapos ang taong 2010, walang kasalang naganap and the last thing we heard ay wala na sila ng sinasabi niyang boyfriend na sa pagkakaalam ng marami ay nagmula sa angkan ng mga politician. Matagal-tagal na ring panahong nali-link si P-Chi (palayaw ni Rufa Mae) sa isang pulitiko na siyang napapabalitang nagbigay umano sa kanya ng bahay sa San Francisco, California. Pero marami ang nagtataka dahil malabong ikasal ang singer-comedienne-TV host sa nasabing politician dahil very much married ito.

Sabi pa ng iba, in love nga marahil si P-Chi sa kanyang politician boyfriend (o ex-boyfriend) kaya hindi niya ito maiwan-iwanan.

* * *

It seems na boto ang pamilya ni Heart Evangelista sa kanyang Brapanese boyfriend na si Daniel Matsunaga at tinatanong na siya (Heart) ng kanyang parents kung kailan sila magpapakasal. 

Sa ngayon, wala pa sa plano ni Heart at ng kanyang nobyo ang paglagay sa tahimik dahil pareho pa nilang ini-enjoy ang kanilang relasyon.

* * *

Nakalulungkot naman ang balita Salve A. kung totoong hiwalay na ang mag-asawang Sen. Chiz Escudero at asawa nitong si Tintin Flores. Noong isang taon pa unang napabalita ang tungkol sa hiwalayang issue pero ito’y pinabulaanan ng batang senador.

Sa ilang okasyon ay nakita namin ang  mag-asawa kung gaano sila kasaya. Pero sa anumang relasyon, dumarating talaga ang problema na madalas nagiging ugat ng paghihiwalay.

CHIZ ESCUDERO

DAHIL

DANIEL MATSUNAGA

DR. KWAK

EAT BULAGA

KANYANG

SIYANG

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with