^

PSN Showbiz

Glydel hirap sa pagbubuntis!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Two months pregnant si Glydel Mercado sa second baby nila ni Tonton Gutierrez.

Medyo maselan ang pagbubuntis ni Glydel kaya pinayuhan siya ng kanyang doktor na magpahinga muna.

Kasali si Glydel sa cast ng isang bagong teleserye ng ABS-CBN. Confident si Glydel na magiging maayos ang kanyang kalagayan bago mag-umpisa ang taping ng drama series ng Kapamilya network dahil ganoon din ang nangyari nang ipagbuntis niya noon si Aneeza. Si Aneeza ang unica hija nina Glydel at Tonton.

Parang nagulat pa ako nang malaman ko na 7-years old na pala ang bagets. Parang kailan lang nang magpunta kami sa Cebu at nagbakasyon sa Shangri-la Mactan. Maliit pa noon si Aneeza at karga-karga pa siya ng kanyang mga magulang.

Mga kinita ni Fabio ginastos sa bakasyon sa NY

Happy si Fabio Ide dahil tatlo ang kanyang regular na programa sa TV, ang Co­medy Bar, Tweetbiz at ang coming soon na Andres de Saya. Nagkaroon din siya ng special appearance sa Dwarfina na malapit nang mag-goodbye sa ere.

Sinamantala ni Fabio ang mahabang bakasyon. Dahil walang mga taping, nagpunta siya sa New York, kasama ang kanyang mga kaibigan.

Ang sey ni Fabio, pinag-ipunan niya ang kanyang New York vacation. Inipon ni Fabio ang kanyang mga talent fee sa lahat ng mga TV show para ma-enjoy niya ang mga pinagpaguran na trabaho.

Kung hindi ako nagkakamali, si Fabio ang maganda ang buhay sa lahat ng mga Brapanese na nagpunta sa Pilipinas para subukan ang kanilang mga kapalaran. Dentist ang tatay ni Fabio at may trabaho rin ang kanyang ina. May kapatid din siya na nag-aaral ng law.

Nababaitan ako kay Fabio dahil tahimik siya at down-to-earth. Nasa isang sulok lang siya kapag may taping kami ng Tweetbiz.

Mana sa ina, anak ni Gladys pang-kontrabida na

Hindi ako magugulat kung maging artista rin ang anak na babae nina Gladys Reyes at Christopher Roxas na si Aquisha.

Bagets pa si Aquisha pero marunong na siyang umarte at ang mataray na karakter ni Andi Eigenmann sa Agua Bendita ang kanyang favorite na gayahin.

Sumikat si Gladys dahil sa kanyang mga kontrabida role at pang-aapi kay Judy Ann Santos sa kanilang mga teleserye at pelikula.

Hindi puwedeng i-deny na anak ni Gladys si Aquisha dahil type nito ang mga kontrabida role.

Manang-mana siya sa kanyang ina.

Chabita naiyak nang malamang ampon lang siya

Naawa na naman ako kay Chabita nang panoorin ko ang Mutya noong Lunes ng gabi.

Parang ako ang na-hurt nang marinig ni Chabita ang pag-uusap nina Prinsipe Irvin at Lolo Sheldon.

Nabuking ni Chabita ang the truth and nothing but na hindi siya tunay na anak ni Prinsipe Irvin. Awang-awa ako kay Chabita habang lumuluha siya. Napakasakit para sa isang bata na matuklasan na ampon lamang siya.

O di ba, talagang nagpapaapekto ako sa mga tele­serye na pinapanood ko itsurang alam ko na kathang-isip lamang ang lahat?

Ganyan katindi ang epekto sa akin ni Chabita!

vuukle comment

AKO

AQUISHA

CHABITA

FABIO

GLADYS

GLYDEL

KANYANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with