^

PSN Showbiz

Pokwang babalik na sa noontime show!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Kahapon ay nagbalik noontime na ang komedyanteng si Pokwang. Nag-guest ang komedyana sa Happy Yipee Yehey para mag-promote ng pelikulang Pak! Pak! My Dr. Kwak! mula sa Star Cinema at M-Zet Films.

Kitang-kita na na-miss ni Pokwang ang pagpe-perform at pagpapatawa tuwing tanghali. Nasambit din ni Pokie habang nagsasayaw na “Na-miss ko ito.”

Sinalubong si Pokwang ng mga hosts na sina Randy Santiago at John Estrada pagkatapos ng kanyang production number at nagkaroon sila ng kaunting kuwentuhan.

Tanong ni John kay Pokie, “Baka naman balang araw, baka naman puwedeng, kung pagbibigyan ka ba na makasama namin, papayag ka ba?”

Dinaan naman ng komedyana sa pagpapatawa ang kanyang sagot. “May malaki kaming sorpresang ibibigay sa inyo pagkatapos ng linggong ito,” sabi pa ni John sa mga nanonood ng nasabing show.

Hindi malayong magbalik si Pokwang sa noontime show dahil hindi naman talaga matatawaran ang galing niya sa hosting at pagpapasaya sa mga manonood.

Anne pasok sa music video ng bumuhos... ni Echo

Kamakailan ay nag-shoot na si Jericho Rosales ng music video para sa kanta niyang Bumuhos Man ang Ulan. Sa La Mesa Eco Park ginawa ang nasabing shoot at special guest ni Echo dito ang kanyang leading lady sa Green Rose na si Anne Curtis.

“Ito na ’yung music video ng Bumuhos Man ang Ulan, ang theme song ng Green Rose. Siya (Anne) ’yung binibini ng music video. Hindi siya as Jerome and Angela but tungkol sa mga lovers,” pahayag ni Jericho.

Malapit na rin nating mapanood ang music video dahil patapos na ito. Masaya at nagpapasalamat si Echo dahil nag-No. 1 na rin sa FM radio station na 101.9 ang kanyang kanta.

Kapamilya Stars kanya-kanyang larga sa Semana Santa

Ngayong Holy week ay marami sa ating Kapamilya stars ang nagplano para ma-enjoy nila ang kanilang bakasyon. Minsan lamang kasi ito sa isang taon kaya naman sinusulit na nila ang pagkakataon na makasama ang pamilya at mga kaibigan.

“Mag-out of town kami kasama ’yung mga kaibigan at ’yung pamilya ko,” pahayag ni Vice Ganda.

“Kauuwi lang ng brother ko from the States so mag-iikot kami sa Philippines for the short break that I have. My sister Megan and I are gonna go to Boracay, ’tapos baka mag-La Union or Baguio, all around talaga,” pahayag naman ni Lauren Young.

“Sa Sto. Niño church, we always go there. Nag­la-light ng candle, we pray. The whole family goes to church, kakain sa gabi, the next day sa beach kami,” pahayag ni Enrique Gil.

“Kapag Holy Week nandiyan ’yung mommy ko. Ayaw niyang lumalabas. Hindi kami kakain ng karne, ’tapos nagdadasal, nagbi-Visita Iglesia,” pahayag naman ni Cristine Reyes.

Mahalaga talaga sa ating mga Pilipino na nagtitika tuwing Semana Santa, humingi ng tawad para sa mga nagawang kasalanan at magpasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap sa ating Panginoon.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ANNE CURTIS

BUMUHOS MAN

CRISTINE REYES

DR. KWAK

GREEN ROSE

POKWANG

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with