Rufa Mae nagmumukhang buntot ng mga lalaki
Kawawang Rufa Mae Quinto! Ilang ulit lang siyang nakita sa set ng show ng Brazilian hunk na si Fabio Ide ay pinagbibintangan na agad siyang bumubuntot dito. Para tuloy lumalabas na sabik siya sa lalaki porke ’di na naman natuloy ang kanyang kasal at ilang ulit nang napabalita na mag-aasawa na siya.
Ngayon, huwag lang makita siyang may kasamang lalaki ng more than once, masama na agad ang hinala sa kanya.
Hay naku, give her a chance! Hindi naman natin alam kung bakit pirming hindi natutuloy ang kasal niya. May babae bang ayaw matuloy ang kasal niya? Sa pelikula siguro oo, pero in real life kakaunti. Ang kasal ang ultimate na hantungan ng isang pag-iibigan and I’m sure kung si Rufa Mae ang masusunod, matutuloy ang kasal.
She can have as many guy friends kung gugustuhin niya na hindi hihinalaing lalaki niya o pang-substitute sa naglahong (nawala ba?) groom to be niya. Si Fabio na mismo ang nagsasabing friends sila, maniwala naman kayo.
* * *
Ang daming mag-dyowang artista ang magbabakasyon nang magkakasama ngayong Holy Week. Nariyan sina JC de Vera at Danita Paner, Mo Twister at Rhian Ramos, Dingdong Dantes at Marian Rivera, Iza Calzado at non-showbiz BF niya. Marami pa. Sana sa kanilang pamamahinga kasama na ang pagsasaya ay hindi nila makalimutan ang kahalagahan ng Mahal na Araw.
Si DJ Mo itinatanggi na magkasama sila ni Rhian sa abroad pero ayaw maniwala ng lahat dahil sanay na sila na hindi umaamin ang dalawa, part of their commitment sa kanilang trabaho, I’m sure.
* * *
Hindi na idedemanda ni Willie Revillame ang mga artistang bumatikos sa kanya sa Internet tungkol sa isyu ng macho dancing sa kanyang programa. Tapusin na lang niya ang kanyang kaso. Ito lamang ay nagbibigay na ng sakit ng ulo sa kanya, daragdagan pa niya ng pagdedemanda sa mga kapwa niya artista na nagbigay lamang ng kanilang opinyon?
Tama na, mag-move on na lang siya. He can’t win them all, he should just count his blessings and get his fulfillment, satisfaction, and happiness from helping others.
* * *
Nalulungkot ako sa nangyari kay Pilar Pilapil. Bakit kinakailangan na halos magbuwis pa siya ng buhay gayong ang interes lamang sa kanya ng mga masasamang loob ay ang sinasakyan niya na hindi pa sa kanya?
Malubha na ang carnapping sa bansa, wala nang pakundangan ang mga carnappers o carjackers. Ninanakaw na nila ang sasakyan, pinapatay pa nila ang may-ari. At hindi lamang expensive cars ang ninanakaw. Dun sa isang subdivision, isang lumang van ang tinangkang nakawin. Nagkabarilan, hindi natangay ang sasakyan pero napatay ang isa sa mga carnappers.
Sa nangyaring ito dapat mag-ingat na ang lahat, luma man o bago ang sasakyan nila. Wala ng sinisino at pinatatawad ang mga magnanakaw. Ngayong Holy Week, huwag iiwang walang tao ang bahay n’yo. Baka kayo masalisihan.
- Latest