^

PSN Showbiz

Venus Raj na-torture sa kulot, straight na uli

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Dahil sa torture na inabot nang lait-laitin ang kanyang buhok na kinulot, straight na raw uli si Venus Raj.

Yup, tuwid na uli ang kanyang mahabang buhok na pinag-eksperimentuhan na kulutin sa coronation night ng 2011 Binibining Pilipinas kung saan ipinasa niya ang korona kay Shamsey Supsup na bagong paborito ngayon ng mga bading.

Well, kung sabagay isipin na lang ni Venus na ang nasabing panlalait ang sign na sobra na ang kanyang kasikatan. Imagine, muntik nang maging national issue ang buhok niya. Kalurkey.

Pero dahil kinulot may kabayaran ‘yun.

“Too much styling, using the curling iron, using the flat iron, rebonding really takes a toll on your hair,” says Moussa Abdayem, technique trainer and head stylist of Emphasis salon.

Kaya naman para bumalik sa dati ang ganda ng buhok ni Venus, use na raw uli siya ng Cream Silk na siya ang endorser.

Say ng beauty queen : “Despite the torture to my hair due to over styling, thanks to Cream Silk vitamin treatment, my hair is recharged. Now, I’m happy that I’m back with my beautiful straight hair.”

Buti na lang endorser siya ng pagpapa-straight ng buhok or else baka forever siyang kulot.

* * *

Tamang-tama, sisimulan na ang The Royal Wedding of the Century ng ABS-CBN sa Linggo (April 24) ng BBC special documentary na William and Kate: A Royal Engagement bago mag-ASAP XV. Mapapanood dito ang mala-fairy tale na love story ni Kate at Prince William at alamin kung paano sila nagkakilala, sino nga ba ang future British princess, at unawain kung ano ang magiging epekto ng kasalang ito sa British monarchy mula sa testimonya mismo ng kanilang malalapit na kaibigan, mga historian, mga biographer, at mga kilalang journalist sa UK.

Ipapalabas din ang mga documentary na Harry: The Mysterious Prince, How to be  a Prince, Timewatch: Princess Margaret— A Love Story Diana— Legacy of a Princess, Princess Camilla— Winner takes all, Royal London, Britain’s Royal Weddings, and  Untold Stories of a Royal Bridesmaid sa cable channels nitong ANC at Lifestyle Network.

At sa mismong araw daw ng engrandeng kasal sa  Abril 29 (Biyernes), ilulunsad ng Kapamilya Network ang isang bonggang coverage na pina­ma­gatang The Royal Wedding of the Century na mapapanood sa   free-to-air TV, cable TV, radyo at online nila.

At ang masuwerteng mag-a-anchor ng coverage – walang iba kundi ang batikang  broadcast journalist na si Karen Davila sa special coverage sa Studio 23 kung saan hindi lang daw live feed mula sa United Kingdom kundi pati isang ekslusibong ulat sa magaganap na kasalan mula sa tanyag na mamamahayag na si Huw Edwards ng BBC News at Ten, ang pinaka-popular na news program doon.

Isang eksperto sa pulitika at royal family, magbibigay si Edwards ng mga impormasyon ukol sa mga pangyayari na nagdaan bago ang kasalan. Maliban kay Edwards, mag-uulat din pala mula doon si ABS-CBN Europe News Bureau Chief Danny Buenafe at ABS-CBN correspondent Rose Eclarinal.

Ibabalita rin daw ito sa TV Patrol kasama ang anchors na sina Noli De Castro, Ted Failon, at Korina Sanchez.

Makikilahok din ang ANC, sa paghahatid ng balita sa kasalan kasama naman nina Ces Oreña-Drilon at David Celd­ran. Meron din live reports sa DZMM Radyo Patrol 630.

Ang kasalang ito na pinakahihintay ng buong bayan. Parang isang pelikula itong ipalalabas.                                                                                  

A LOVE STORY DIANA

A ROYAL ENGAGEMENT

BINIBINING PILIPINAS

CES ORE

CREAM SILK

DANNY BUENAFE

DAVID CELD

ROYAL WEDDING OF THE CENTURY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with