^

PSN Showbiz

Mga nangotong kay Arnell suspendido na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Certified Kapusona ang veteran actress na si Glo­ria Romero dahil nag-taping na siya para sa Munting Heredera , ang bagong teleserye ng GMA 7.

Munting Heredera ang title ng show dahil ba­tang babae ang bida pero maganda at importan­te ang papel na gagampanan ni Tita Glo.

Kung hindi ako nagkakamali, ang Munting He­re­­dera ang unang project ni Tita Glo sa Kapuso net­­­work dahil matagal ang pananatili niya sa ABS-CBN.

* * *

Tatlong buwan na preventive suspension ang parusa na ipinataw ng PNP kina PO3 Jose Levy Llagas, PO3 Neil Pono, at PO1 Joel Lasala habang iniimbestigahan ang kaso nila.

The who ang tatlo? Sila ang mga pulis na idine­manda ni Arnell Ignacio ng extortion nang hulihin siya noong March 26 at hingan ng P50K.

Ang sey ni Arnell, na-trauma siya sa ginawa ng mga pulis. Nagbigay ng datung si Arnell at nagpanggap na okey lamang ang lahat kaya naging kampante ang mga pulis na hindi siya magrereklamo o mag-iingay.

Ang pagkakamali ng mga pulis, in-underestimate nila si Arnell na kaliwa’t kanan ang mga kaso na isinampa laban sa kanila.

Dyusko si Arnell pa na hindi afraid na mag-ingay kung alam niya na nasa katuwiran siya? Teka, mali ang report na 100K ang datung na na-getsing ng mga pulis mula kay Arnell dahil 50K lang ang natsugi sa kadatungan niya

* * *

 Nasagot na ang mga tanong sa akin noong Miyerkules, ang mga magulang ng bagets na sumayaw ng body wave sa Willing Willie at hindi si Shalani Soledad ang nagkaroon ng presscon sa Manila Polo Club.

Humarap sa media ang mag-dyowang Jojo at Diana Suan para sabihin na idedemanda nila ng libel ang mga per­sonalidad na nagsabi na biktima ng child abuse ang kanilang anak.

Take note, body wave na ang bagong tawag sa klase ng pagsasayaw ng bagets, hindi na macho dancing.

* * *

Hindi ko na-miss ang mga episode ng Mutya at Minsan Lang Kita Iibigin nang magpunta ako sa Malaysia dahil napapanood sa internet ang aking mga favorite TV show.

Mabuti na lang, nauso ang mga laptop at Internet or else, hindi ako updated sa mga nangyari sa Mutya at Minsan Lang Kita Iibigin na malaki na ang impluwensiya sa aking viewing habits.

vuukle comment

ARNELL

ARNELL IGNACIO

DIANA SUAN

MINSAN LANG KITA IIBIGIN

MUNTING HEREDERA

SHY

TITA GLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with