^

PSN Showbiz

Ayaw ni Rayver, Cristine bawal na sa grabeng love scene

-

MANILA, Philippines - Aminado si Carlo Aquino na pinapantasya niya si Cristine Reyes.

Ito ay lalong tumindi nang makatrabaho ng aktor si Cristine sa Summer horror movie ng Viva Films, ang Tumbok, mula sa batikang direktor ng local horror films na si Topel Lee (nagdirek din ng Sundo ni Robin Padilla, Ouija ni Judy Ann Santos, at ilang episodes ng Shake Rattle and Roll series).

Ayon kay Carlo, imposible raw na hindi mag-ilusyon o magpantasya ang sinumang lalaking makakasama ng seksing si Cristine.

“Makinis na, mabait pa. Given na ‘yan sa kahit na sinong lalaki ang makakasama siya. Ang suwerte ko nga dahil nakatrabaho ko siya na alam kong maraming aktor ang gusto siyang maka-eksena,” say ni Carlo na gumaganap na asawa ni Cristine sa pelikula.

Kung wala nga lang daw Rayver Cruz sa buhay ni Cristine ay matagal nang pinormahan ni Carlo ang leading lady nito sa pelikula. Kaso nga raw ay taken na si Cristine kaya ‘di nakaporma si Carlo.

Totoo kayang pinagbawalan ni Rayver si Cristine na maging maalab ang lovescene nito with Carlo kung saan gumaganap na bagong kasal ang kanilang mga characters?

Malalaman ‘yan kapag humarap na sa entertainment press si Cristine ngayong linggo, pati na ang kanyang reaksiyon sa chikang iniilusyon siya ni Carlo. 

vuukle comment

CARLO

CARLO AQUINO

CRISTINE

CRISTINE REYES

JUDY ANN SANTOS

RAYVER CRUZ

ROBIN PADILLA

SHAKE RATTLE AND ROLL

TOPEL LEE

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with