^

PSN Showbiz

Bago inilabas sa publiko, anak ni Diether mas naunang ipinakilala kay Kris

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Noong Linggo ng umaga ay isang special charity event ang ginanap sa Manila Ocean Park.

Ito ang 7th birthday celebration ng lalaking anak ni Diether Ocampo na si Dream at sa kauna-una­hang pagkakataon ay ipinakita at ipinakilala na ng aktor sa publiko ang kanyang anak.

Nag-imbita si Diet ng mga kabataan mula sa iba’t ibang lugar sa Maynila. “’Yung ika-pitong kaarawan ni Dream, to make it more memorable, tinanong ko kasi siya kung paano niya gustong i-celebrate ’yung birthday niya. Isa ito sa mga na-mention niya, ’yung Manila Ocean Park kaya sabi ko okay, sige anong gusto mong gawin doon? Sabi niya, let’s invite kids. ’Yung mga bata dito galing sa twenty nine day care centers sa buong Manila,” pahayag ni Diether.

Samantala, sinagot na rin ng aktor sa nasabing okasyon ang isyung nag-uugnay sa kanila ni Kris Aquino. Marami kasi ang nakasaksi sa kanilang da­la­wa na sabay umalis sa Golden Screen Awards kamakailan.

“Wala akong dapat i-explain. I’m very happy that at this point ’yung pagiging magkaibigan namin, mas naging malalim. Parang ibang level na, mas pareho na kaming mature ngayon. Wala naman talaga akong dapat sabihin, as far as I’m concerned wala namang dapat intrigahin,” pag­lilinaw ni Diet.

Naipakilala na rin ni Diether ang kanyang anak sa Queen of All Media.

Sagot ni Derek sa pagpunta niya sa Tondo ‘I definitely don’t know Aifah Medina’

Kamakailan ay kumalat sa Twitter ang balitang magka­hiwalay na diumano ang magkasinta­hang Derek Ramsay at Angelica Panganiban.

Pinabulaanan ng dalawa ang lumabas na isyu tungkol sa kanila. Ngayon ay iniuugnay naman ang hunk actor sa isang dancer ng Sexbomb na si Aifah Medina dahil nakita nitong magkasama ang dalawa sa isang lugar sa Tondo.

“No, I don’t know her. Hello! I know of her now. I was told na I was seen daw in Tondo with a friend’s house in Tondo? Funny thing is the only person I know from Tondo is Angel (Angelica), and she doesn’t live there anymore.

“So this is really easy to resolve. I definitely don’t know her. When I was told about the story. I looked her up, I don’t think I’ve met her. I don’t know where this came from. It’s kinda hard for me to drive down to Tondo and not be seen,” paglilinaw ni Derek.

Kahit sunud-sunod ang pang-iintriga kina Ange­lica at Derek ay hindi pa rin naman nagpapaapekto ang dalawa.

“I don’t know where it’s coming from but what is important is that Angel and I know that we’re still together, and every time something comes out, we’re very vocal to clear it out. And yeah, we’re very happy,” diin pa ni Derek.   Reports from JAMES C. CANTOS

AIFAH MEDINA

ANGEL AND I

ANGELICA PANGANIBAN

DEREK

DEREK RAMSAY

DIETHER OCAMPO

GOLDEN SCREEN AWARDS

KNOW

MANILA OCEAN PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with