^

PSN Showbiz

Kylie nasungkit ang Blusang Itim!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Si Kylie Padilla ang napili ng GMA 7 para magbida sa TV remake ng Blusang Itim, ang hit movie noon nina Snooky Serna at Richard Gomez.

Nagpatawag noon ng audition ang Kapuso network at kabilang si Kylie sa mga nagbakasakali.

Nag-join din sa audition sina Sarah Lahbati, Gwen Za­mora at ang ibang mga young actress na contract star ng GMA Artist Center pero si Kylie nga ang masuwerte na nakapasa sa audition.

Malapit nang mag-goodbye sa ere ang Alakdana at baka ang Blusang Itim ang ipalit sa timeslot na mababakante ng afternoon fantasy drama show ni Louise delos Reyes.

Aalamin ko pa ang aktor na makakapareha ng anak ni Robin Padilla sa Blusang Itim.

Busy day kahapon ng GMAAC staff dahil sa pictorial at shoot ng TV plug ng kanilang mga artista.

Present sa pictorial at TV plug shoot ang GMAAC stars na binihisan ng fashion stylist na si Liz Uy.

Ginanap ang pictorial sa Studio 6 ng GMA Network Center.

Dalawang set ang ginamit ng mga photographer para ma-accommodate ang maraming artista ng GMAAC na hindi binigyan kahapon ng mga taping para may time sila na mag-beauty rest.

AiAi nag-effort magsuot ng korona

Napanood ko ang guesting ni AiAi delas Alas sa The Buzz noong Linggo at natawa ako dahil sa may korona siya sa ulo.

Talagang pinanindigan ni AiAi ang pagiging Box-Office Queen noong 2010 dahil nag-effort siya na magsuot ng korona.

Deserving si AiAi sa kanyang award dahil tumabo sa takilya noong December ang kanyang MMFF entry, ang Ang Tanging Ina Mo, Last Na ‘To!

May contract pa si AiAi sa Star Cinema at kung siya ang masusunod, pang-MMFF uli ang gusto niyang next project.

Katulad na siya ni Mang Dolphy na hindi kumpleto ang MMFF kapag walang Dolphy movie.

Daiana hiniwalayan ang bumbay na bf dahil sa kakuriputan

Napakadali na hulaan ng blind item tungkol sa Brazilian TV personality na nakipaghiwalay sa kanyang boyfriend dahil sa kuripot ito.

Obvious na si Daiana Menezes ang girl dahil siya lang naman ang popular Brazilian na active sa TV.

Kung sino ang mhin na kuripot? Magpapanggap ako na hindi ko siya kilala at hindi ko alam na may lahi siyang Bumbay.

Nag-promise si Daiana sa BIR na haharapin niya ang tax evasion case na isinampa laban sa kanya.

Pupunta si Daiana sa Brazil para magba­kasyon pero babalik siya sa Pilipinas dahil nandito ang kanyang showbiz career. Nanga­ko si Daiana na aayusin niya ang kanyang problema sa BIR.

Hindi puwedeng ipagpaliban ni Daiana ang pag-alis dahil matagal na itong nakaplano, bago pa pumutok ang balita na kinasuhan siya ng BIR.

vuukle comment

ANG TANGING INA MO

ARTIST CENTER

BLUSANG ITIM

BOX-OFFICE QUEEN

DAHIL

DAIANA

DAIANA MENEZES

DOLPHY

GWEN ZA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with