Dingdong payag maging ninong kung kukunin nina Ogie at Regine
Kampante rin si Dingdong Dantes na hindi maaapektuhan ang I Heart You Pare sa pagkawala ni Regine Velasquez at pagpasok ni Iza Calzado para ipagpatuloy ang karakter ni Tonette. Nag-usap sila ni Songbird at sinabi niya rito na nirerespeto niya ang naging desisyon ng leading lady. “I know, mas importante ’yun,” ani Dingdong.
Hindi idinetalye ni Dingdong kung anong importanteng desisyon ang ginawa ni Regine pero kung kukunin siyang ninong nito at ni Ogie Alcasid ay “Oo naman, ’di ako tatanggi” ang sagot.
Ilang beses na silang nagkatrabaho ni Iza, kaya alam niyang magiging magaan ang muli nilang pagsasama. Kahit magkaroon pa ng kissing scene ang dalawa’y walang magiging problema dahil pareho silang professional. Kahapon sa Party Pilipinas, may patikim sina Dingdong at Iza sa kanilang tambalan with a sing and dance production number na nakaayos Tonette ang aktres.
Samantala, hindi na pala natuloy ang interview kay Dingdong ng isang show ng GMA News TV na may kasamang pictorial sa kanyang bahay dahil nagkaroon ng konting conflict nang baguhin ng TV crew ang ayos ng kanyang bahay ng walang pahintulot. Nagulat lang ang aktor na nakarating sa Paparazzi ng TV5 ang balita at na-blind item pa siya. Pero wala silang isyu ng host ng show na agad niyang tinawagan after what happened.
Tungkol sa isyung magta-topless si Marian Rivera sa Amaya, hindi bothered ang actor-boyfriend sa balita. “Hindi ako bothered dahil ’di totoo at magagawan ng paraan na palabasing topless siya kahit hindi. If true, nagawa na niya ’yun sa Dyesebel at ako ang tumatakip sa kanya. Maganda ang katawan ni Marian, nakita ko sa pictorial ng Temptation Island at nasasagi ko minsan,” biro nito sa press.
* * *
Isa si Direk Andoy Ranay ng I Heart You Pare sa mga unang tinawagan ni Regine na hindi na niya maipagpapatuloy ang series for health reasons.
“Bago sila mag-decide, tinawagan ako ni Regine and I really appreciate it. Medyo emotional, she was very sad, pero sabi ko, okay lang. This is your dream, may mga dream na dapat ma-fulfill,” sabi ng direktor ng show.
Tinanong din ni Regine kung okay lang na si Iza ang papalit sa kanya. Hindi siya nag-worry na iba na ang gaganap na Tonette dahil confident siya sa story, may Dingdong pa at ibang cast at buong staff ay nagtatrabaho ng husto.
Konting adjustment lang sa script at ipu-push ang Polly-Vodka-Joel love triangle dahil marami ang nagkagusto. Hanggang May pa ang taping nila at aabot sa June ang airing ng I Heart You Pare, tiwala si Direk Andoy na magiging maayos ang lahat.
* * *
May death threat si Jim Paredes dahil sa Willie Revillame issue at isa rito ang nag-tweet ng “PAPATAYIN KO KAYO” at ang sagot ni Jim ay “Death threat noted.”
Heto ang sagot ni Jim sa pagbanggit ni Willie ng name niya last Friday episode ng Willing Willie, kung saan nagpaalam ito na mawawala muna ang show for two weeks: “How can a laos, old, over the hill guy like me destroy a sikat, powerful, rich superstar like Willie? He did it all by himself.”
Hay, matagal pang matapos ang isyung ito at marami na ang involved.
- Latest