BF ni Heart gustong mag-ala Phil Younghusband
PIK : Kinumpirma ng magkasintahang StarStruck 1 Avenger Alvin Aragon at ng Sexbomb dancer na si Izzy Tirazona na magpapakasal na sila sa susunod na taon.
Marami ang natuwa kay Alvin nang mag-guest sila ni Izzy sa Startalk kamakalawa ng hapon dahil ang laki nang ipinagbago nito magmula nang naging sila.
Ang daming negatibong isyung kinasangkutan ni Alvin pero nang naging active ito sa kanilang church at nagkaroon ng relasyon kay Izzy, malaki na ang ipinagbago nito sa tulong na rin ni Izzy.
Nakatakda silang harapin ang anak ni Alvin sa una nitong girlfriend para magpaalam na rin na magpapakasal na ito.
May ibang karelasyon na rin ang ina ng anak ni Alvin at okay naman sila. Pero kailangan din niyang makausap ang kanyang anak para maipaliwanag ang kanyang pagpapakasal.
PAK: Interesado pala si Daniel Matsunaga na maging miyembro ng Philippine Azkals dahil noon pa man ay magaling na pala itong maglaro ng football.
Sobrang fan si Daniel ng Azkals at gustung-gusto niya sanang pumasok sa team.
Ang isa sa mga sumusuporta sa kanya ay si Heart Evangelista dahil nakikita niyang magaling ang boyfriend at gustung-gusto niya talagang maging bahagi ng Azkals.
May bagong endorsement si Daniel na isang sports apparel at doon niya ipapakita ang galing niya sa football.
BOOM: Noong isang gabi lang kinumpirma ng mga bumubuo ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. na ang napili nilang Box-Office Kings ay sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Vic Sotto at si AiAi delas Alas naman ang Box-Office Queen.
Katatapos lang nilang mag-deliberation at ’yun ang napagkasunduan nila.
Parang nakakatawa naman sila. Halos isang buwan na kaming nasabihan na ’yun ang napili nila kaya nagtatanong sa manager nila kung available ba sila sa May 8 na awarding nito na gaganapin sa RCBC Plaza, Makati.
Nang lumabas ito sa diyaryo at napag-usapan, bigla nilang dinenay dahil wala pa raw deliberation.
Maaring ang gusto nila ay sa kanila manggaling ang official announcement kaya itinanggi nila ito nang naunahan sila.
Karamihan sa mga awardees nila ay Kapamilya talents.
- Latest