Ynez tumanggi kay Gov. Mangudadatu kahit inalok ng kasal
PIK: Pagkatapos mawala ng ilang buwan, lumitaw na rin si Ynez Veneracion at nakausap namin sa story conference ng bagong programa ng GMA Telebabad, ang Munting Heredera.
Proud si Ynez at say niya, sexy pa rin siya kaya pinabulaanan nitong nabuntis siya.
Nawala lang siya dahil gusto niyang magpahinga sa mga isyung kinasangkutan niya.
Nasa Dubai siya madalas para magpahinga at mag-show na rin doon.
Kaugnay sa pagkaka-link niya kay Gov. Esmael Mangudadatu, hindi niya itinatangging inalok siya ng kasal ng Maguindanao governor pero ayaw niyang maging isa sa mga magiging asawa nito dahil aware naman siya sa kultura ng mga Muslim.
“’Yung main reason kung bakit ayoko rin sinabi ko sa kanya, ’yun nga nung medyo nagpu-propose na sinabi ko na parang hindi yata ako okay. Sabi ko kasi Muslim nga ’di ba? Hindi natin maiiwasan ’yun kapag nagkaroon na naman ng asawang iba siyempre masasaktan ako,” pahayag ni Ynez.
Ngayon ay gusto na niyang magpaka-active sa showbiz dahil nami-miss din niya ang umarte.
PAK: Totoo kayang pagkatapos makipag-break ng kontrobersiyal na aktres sa kanyang boyfriend, nagpaparamdam ito ngayon sa isang aktor na matagal din niyang naging boyfriend?
Mukhang masaya naman si aktor sa kanyang girlfriend kaya hindi umeepek ang drama ni aktres.
BOOM: Bukod sa mga taga-ABS CBN, binuweltahan ni Willie Revillame ang ilang mga artistang tumitira sa kanya sa Twitter.
Sinabihan niya si Aiza Seguerra na magpakalalaki ito at nagtrabaho na ito nung bata pa siya.
Kinuwestiyon din niya si Agot Isidro gayong wala naman itong anak.
Bakit pati raw si Tuesday Vargas tinitira siya kahit nasa iisang istasyon lang sila?
Bakit daw siya hinuhusgahan agad nina Jim Paredes, Bianca Gonzalez, Lea Salonga, at K Brosas?
Dalawang linggo munang mawawala ang Willing Willie at nangakong babalik kahit wala na silang sponsors.
Pagkatapos maglabas ng ganung statement si Willie nung Biyernes ng gabi, pinutakti na ito ng mga pambabatikos sa Twitter world.
- Latest