Pambansang Muziklaban lalahukan ng 30 banda
MANILA, Philippines - Pangungunahan ng Slapshock, Greyhoundz, Kjwan at Wilabaliw ang Pambansang Muziklaban Rakrakan Series XIV ng Red Horse Beer sa Abril 16 sa Bluewave-Macapagal parking grounds sa Pasay City.
Humigit-kumulang sa 30 banda ang inaasahang dadalo sa event na nabuo sa pakikipagtulungan sa rakista.com, isang online community para sa rock aficionados.
Maliban sa apat ay kasama rin ang mga Muziklaban bands tulad ng Mayonnaise, Ibarra, Gayuma, Even, Hatankaru at kasalukuyang champion na Light of Luna.
Ayon sa rakista.com ay isang karangalan na gawin ang naturang event. “No other than Red Horse Beer can provide all the astig elements that the members of the rock community thirst for in an event,” ani ng nasabing website na mayroong fanbase na bumibilang sa 80,000 na katao.
Ang Muziklaban ay isang annual amateur rock band competition na humahatak ng mga 4,000 banda sa buong bansa taun-taon simula pa noong 1999.
Mayroong auditions para sa 2011 Muziklaban Rock Challenge mula ala-una hanggang alas-tres ng hapon. Ang extreme sport fans naman ay makakapanood sa mga stunts ng 2010 Muziklaban winning riders mula alas-dos hanggang alas-singko ng hapon.
Ang rock concert ay magsisimula ng alas-sais ng gabi at mapapanood ng live streaming sa www.redhorsebeer.com at www.rakista.com sa pagtataguyod ng Globe Prepaid at Dickies.
Para sa iba pang impormasyon, tumungo lamang sa www.redhorsebeer.com at www.rakista.com.
- Latest