Produ nahihirapang hanapan ng puwesto sa poster ang pangalan ng aktres
Nakita ng isang reporter ang mock-up poster ng isang pelikulang kasali sa 2011 Metro Manila Film Festival.
May two versions ang poster at sa unang version, above the title ang pangalan ng bidang aktor at sa isa pang poster, nasa ibaba ng title ang pangalan ng aktor.
Sa dalawang posters, una lagi ang pangalan ng isa sa tatlong aktres na kapareha ng aktor at ang isa pang kapareha ay may “and” sa pangalan. Missing sa poster ang pangalan ng isa pang aktres na kapareha rin ng bidang aktor.
Nagtaka ang reporter kung bakit wala ang name ng isa sa three leading ladies ng bidang aktor at nagtanong. ’Yun pala hindi pa mailagay ang pangalan ng aktres dahil inaayos pa kung saang parte ng poster ilalagay ang pangalan na hindi magrereklamo ang aktres o ang kanyang manager.
Curious na kaming makita ang final poster ng pelikula para malaman kung saang puwesto ilalagay ang pangalan ng aktres at kung hindi karekla-reklamo ang kanyang billing.
* * *
Sa Monday na pala papasok si Edu Manzano bilang isa sa mga host ng Unang Hirit ng GMA 7 at Monday to Friday makakasama sa paboritong tambayan ng mga viewers.
Hindi pa namin alam kung may sariling segment si Edu, pero makakatulong siya para mas sumaya ang morning show dahil sa kakaibang hirit sa pagpapatawa.
Kasabay nang pagpasok ni Edu sa Unang Hirit ang launching ng Special Summer Offering na hatid ng Unang Hirit.
Hindi naman siguro pagsasawaan ng mga viewers si Edu dahil pagkatapos siyang mapanood sa early morning show, mapapanood din siya sa game show na Family Feud: The Showdown Edition na every morning din, Monday to Friday din umeere.
* * *
Panibagong challenge kay Carmina Villarroel ang mag-host ng Amazing Cooking Kids dahil puro bata ang makakasama niya at higit sa lahat dahil hindi siya mahusay magluto. Nag-aral ng cooking ang actress-TV host kay Sylvia Reynoso, pero hindi siya masyadong natuto.
Nag-aral din ng cooking ang kambal nila ni Zoren Legaspi, pero nahihiyang magluto sa harap ng mga tao ang kambal. Mas kakain na lang ng mga anak, kesa magluto.
“Nagugulat ako sa 12 contestants dahil kahit complicated ang recipe, nagagawa pa rin nila ang ipinagagawa ng mga judges. Tumitikim ako sa niluluto nila at masarap ha? This is something new for me, something different kaya excited ako. First time ko ring mag-host ng reality show at cooking show pa. I’m sure, pati ako matututo after 13 episodes,” sabi ni Carmina.
Sina Chef Rosebud Benitez, Chef Jackie Ang-Po, at Chef GB Barlao ang kikilatis kung sino kina Angela Rosales, Pau Sablaya, Dingdong Lagman, at Duday Reyes ng Quezon City, Tasha Pulgado ng Bulacan, Nica Fortuno ng Batangas, Xymon Caballero ng Caloocan City, Budik Villalobos ng Cavite, Pat Reyes ng Mandaluyong City, Ice Almalmani ng Parañaque City, Tarah Santos ng Muntinlupa City, at Ronin Leviste ng Makati City ang mananalo.
- Latest