^

PSN Showbiz

Angel nangangarag sa pelikula nila ni Aga

- Veronica R. Samio -

“Not this year, maybe next year,” ang sagot ng isang bossing ng Star Cinema at maging ng ABS-CBN sa tanong kung may posibilidad bang masundan ang pagpapareha nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin sa Imortal. Lubhang marami ang mga humihiling na pagtambalin muli ang dalawa kung hindi sa part two ng fantaserye sa telebisyon ay sa isang pelikula.

Ganito kalalim tumatak ang pagtatambal ng dalawa sa mga manonood kung kaya dahil nalalapit na ang pagwawakas ng Imortal sa April 29, ngayon pa lamang ay nagpapahiwatig na sila ng isa pang kasunod.

Unfortunately, both stars are already fully booked until the end of the year. Kung mapagbibigyan ang kahilingan ng kanilang mga fans eh baka sa isang taon pa, sa year 2012.

Isang kakaibang ending ang mapapanood ng mga tagasubaybay ng Imortal. Sinisiguro ng mga direktor ng serye na sina Jerry Sineneng at Richard Somes at maging ng action director na si Lester Pimentel na hindi ang kadalasang ending ang mapapanood sa pagtatapos ng serye. 

*   *   *

Kung nagustuhan n’yo ang Imortal, hindi malayong magugustuhan n’yo rin ang susunod na proyekto ni Angel, isang peikulang drama at hindi isang musical, bagama’t itatampok sa pelikula ang mga bidang sina Angel at Aga Muhlach na sumasayaw.

Pinamagatang In The Name of Love, ito ang pelikulang inakala ng marami nung una na hindi matatapos ni Aga dahil nga sa rami ng kanyang ginagawa at pagkatapos ay tumaba pa siya.

Ngayon ay nadagdagan pa ang agam-agam ng lahat na dahil sa biglang paglipat ni Aga from ABS-CBN to TV5 ay baka mas lalo niyang hindi matapos ang movie dahil mas marami na siyang gagawin sa bago niyang bahay. Pero ipinangako ni Aga na tatapusin niya ang pelikula bago siya magsimula ng kanyang trabaho sa kumpanya ni Manny Pangilinan. Sa Mayo nakatakdang mapanood ang pelikula nila ni Angel. Nangangarag ang leading lady sa taping para matapos na ang pelikula. Madalian na rin ang trabaho nila sa Imortal lalo’t nakatakda nang umalis anytime si John Lloyd para sa kanyang serye ng konsiyerto sa US.

*   *   *

Napapanood n’yo ba ’yung 100 years commercial ng Nestlé, hindi ba ang ganda? Magkakamag-anak kaya ’yung mga kinuha nilang modelo o artista? Magkakamukha kasi sila. Ganoong klaseng product endorsement ang type na type mapanood ng marami dahil hindi hard sell at kahit walang sinusulong na partikular na produkto, sa ganda ng konsepto, storyline at presentation, madali mong maaalala ang Nestlé at ang mga produktong ginagawa nila.

AGA MUHLACH

ANGEL LOCSIN

IMORTAL

JERRY SINENENG

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

LESTER PIMENTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with