^

PSN Showbiz

Life and Style nagpaiba-iba na ng title

-

MANILA, Philippines - Pagdating sa usapang kagandahan, wala nang tatalo pa kay Ricky Reyes. Pruweba ang halos 40 salon niya sa iba-ibang lugar ng Pilipinas sa mahigit dalawang dekadang itinakbo ng kanyang programang pang-telebisyon.

Nagsimula siya sa Beauty School at  Beauty School Plus sa RPN-9. Lumipat siya sa QTV-11 at ang programa’y naging Parlor Games na ginawang Gandang Ricky Reyes. At ngayo’y Life And Style With Gandang Ricky Reyes sa GMA News TV-11 na umeere tuwing Sabado alas-onse ng umaga.

At sa tagal niya sa ere, maraming award na rin ang nakamit niya dahil sa nasabing programa.

“Bonus na lang ang mga ’yun para sa aming mga nasa likod ng programa. Nakatataba ng puso na kahit saan, anong araw o oras ipalabas ang show ay sinusundan ito ng mga manonood. ‘Di naman sa pagmamalaki, ha? May captive audience raw ang ating programa,” sabi ni Mader Ricky.

Abangan din ang maraming payo tungkol sa summer wear, skin protection at pati wastong ayos ng buhok at make up ngayong bakasyon sa kanyang programa ngayong Sabado.

ABANGAN

BEAUTY SCHOOL

BEAUTY SCHOOL PLUS

GANDANG RICKY REYES

LIFE AND STYLE WITH GANDANG RICKY REYES

MADER RICKY

PARLOR GAMES

RICKY REYES

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with