^

PSN Showbiz

GMA Records may mga fresh at exciting na offer

-

MANILA, Philippines - Patuloy sa paghatid ng saya ang GMA Records sa mga panibago nitong carrier singles, music albums, at DVD compilations ng mga top-rating Kapuso programs na swak ngayong summer season.

Una sa listahan ang brand new single ng young diva na si Fren­ches­ka Farr na pinamagatang Isama Mo Ako. Sinulat ito ni Vehnee Saturno, at nagsisilbing isa sa mga theme songs ng pinaka-bagong telefantasya ng GMA 7 na Captain Barbell. Bukod sa pagiging parte ng Captain Barbell cast, napili rin si Frencheska bilang Take Off Artist of the Month ng Channel V ngayong buwan ng Abril.  

Maglalabas din ng album ang tinaguriang King of Soul na si Janno Gibbs na may titulong The Janno Gibbs Anthology. Isang collector’s item, kabilang sa album ang mga awiting Ipagpatawad Mo, I Believe in Dreams, Almost Over You, Ikaw Lamang, Fallin, If I’m Not In Love With You, at marami pang iba.

Nagbabalik naman sa music scene ang dating Ang TV star na si Jan Marini na ngayon ay may bago ng album, ang Once. Carrier single niya ang awiting White Walls na siya mismo pa ang nag-compose. Kasama rin sa 11-track album niya ang mga love songs na The Hardest Thing, Just When I Needed You Most, Will You Still Love Me?, at The Same Love.

 Samantala, mapapanood na rin sa DVD ang first at phenomenal telefantasya ng GMA 7 na Mulawin.

Matatandaang pinasikat ng Mulawin ang dalawa sa mga prime leading men ngayon ng GMA 7 na sina Richard Gutierrez at Dennis Trillo.

Bukod dito, mabibili pa rin sa DVD ang Pepito Manaloto, End­less Love, Stairway to Heaven, at First Time sa murang-murang halaga.

Mabibili na rin ang Mga Awit Kapuso (Sarap Maging Ka­puso), isang 14-track compilation album na naglalaman ng theme song ng 60th Anniversary ng GMA na inawit nina Frencheska Farr, Geoff Taylor, at Jay Perillo; ang main theme song ng Captain Barbell na Sandata na inawit ng Shamrock; at ang Panata 3 Serbisyong Totoo na theme song naman ng News & Public Affairs ng Kapuso Station. Mapapakinggan din sa album ang theme song ng Langit Sa Piling Mo, Ko­reana, Ilumina, at marami pang iba.

Sa mga mahihilig naman magluto, dapat abangan ang Quickfire Box Set (Volumes 1 to 4 of Chef Mom Rosebud’s Quickfire DVDs).

Mabibili ang mga ito sa Astroplus, Astrovision, Odyssey, SM Music Box, at The Landmark outlets nationwide.

vuukle comment

ALMOST OVER YOU

BUKOD

CAPTAIN BARBELL

CHANNEL V

CHEF MOM ROSEBUD

DENNIS TRILLO

FIRST TIME

FRENCHESKA FARR

GEOFF TAYLOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with