^

PSN Showbiz

Leo bida sa Law Law Gang

-

MANILA, Philippines - Muling magpapakita ng galing ang versatile na movie-TV and stage actor na si Leo Martinez sa kanyang pagganap sa pinakabagong proyekto, Law Law Gang : Umpisa Pa Lang ’To, ang kauna-unahang pelikula mula sa Lara Films Production.

Makakasama ni Leo ang mga kalog na cast tulad nina Pekto, Hero Bautista, Vincent Daffalong, at Brownie. Introducing naman ang mga magagandang baguhan na sina Kai Lagunsad at Les Nolasco.

Umiikot ang istorya ng Law Law Gang, isang modern-day Robin Hood story, sa isang grupo ng mga magnanakaw na nakulong. Habang nasa loob ng kulungan, ang limang miyembro na sina Boy Babaero (Leo), Boy Pormatic (Pekto), Boy Scarf (Hero), Boy Kupit (Brownie), at Boy Talentado (Vincent), ay nagkasundo na hindi na muling masasangkot sa kahit anong iligal na gawain oras na makalabas. At nangako pa na tutulong silang lahat na mapabuti ang lagay ng mga mahihirap na kanilang makakasalamuha.

Ang nangyari, ang Law Law Gang ay naging kalaban din ng mga kidnaper, carnaper, at iba pang salot sa bayan. Ito ay nagagawa nila sa tulong ng isang police colonel na nagbibigay sa kanila ng mga armas. Pero ito ay walang kapalit na bayad.

Sa direksiyon ni Joel Apuyan at panulat ni Tony Cruz, ipapalabas na ang Law Law Gang sa May 4 sa lahat ng SM Cinemas sa Metro Manila.

Kasama rin sa pelikula sina Jun Urbano, Robert Miller, Alicia Lane, Althea Vega, Archie Ramos, at Amay Bisaya.

vuukle comment

ALICIA LANE

ALTHEA VEGA

AMAY BISAYA

ARCHIE RAMOS

BOY BABAERO

BOY KUPIT

BOY PORMATIC

BOY SCARF

LAW

LAW LAW GANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with