^

PSN Showbiz

Willie Revillame dapa kay Kris

-

MANILA, Philippines - Tinamaan kaagad ng jackpot ang The Price is Right noong Abril 2 sa bago nitong timeslot tuwing Sabado pagkatapos ng Failon Ngayon

Bukod sa isa na namang Pilipino ang nag-uwi ng major prize showcases ay panalo rin ang programa sa ratings base sa nationwide overnight ratings ng Kantar Media.

Sa rating na 14.2 percent, pasok kaagad ang game show ni Kris Aquino sa Top 10 TV programs noong Sabado. Pinadapa rin nito ang mga katapat na programa na Wish Ko Lang (12%) at Willing-Willie (9.7%).

Kaya naman masasabi na bukod sa si Kris ang hindi matinag na Reyna ng Game Shows ay ang The Price is Right na nga ang numero unong game show sa bansa.

Tuwang-tuwa naman si Kris sa pagkapanalo ng ika-limang grand winner ng kanyang programa na si Regie Santos. Paano kasi ay na-sweep nito ang mga premyo mula mini-game hanggang jackpot round.

Sa kabuuan, isang brand new Mitsubishi Strada truck, isang footware showcase, ottoman chair, 6-seater dining room set at P160,000 cash ang inuwi ni Regie, na nagtatrabaho sa isang fastfood.

Sino naman kaya ang susunod na grand winner sa programa? Tutukan kasama ang Queen of All Media na si Kris Aquino, tuwing Sabado sa ABS-CBN.

vuukle comment

ABRIL

FAILON NGAYON

GAME SHOWS

KANTAR MEDIA

KRIS AQUINO

MITSUBISHI STRADA

QUEEN OF ALL MEDIA

REGIE SANTOS

SABADO

WISH KO LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with