Actor-politician hindi marunong magpakain!
Sobrang dismayado ang aming kaibigang reporter sa isang aktor-pulitiko dahil sa sobrang kakuriputan nito. Binentahan niya ito ng ticket para sa concert ng isang aktres na isa na ring pulitiko.
Sa tagal nang paglagak ng mga ticket sa actor-politician inaakala ng reporter na sold out ito. Pero nang balikan niya sa opisina ang mga ticket ay nagulat ito nang bigyan lang siya ng P200 at isinauli na ang mga natirang tickets.
“Hindi man lang ginawang five hundred pesos o one thousand. Hindi pa rin siya nagbabago, kuripot pa rin siya. Nang dalawin nga namin siya sa kanyang opisina nun, kasama ang malapit niyang kaibigan, ay ni hindi man lang kami pinakain kahit sandwich gayung inabot kami dun ng alas-dos ng hapon at pinag-kape lang kami. Kaya sobrang kumalam ang aming sikmura,” sabi pa ng reporter.
Kaya nawalan na siya ng gana sa actor-politician na well loved ng mga constituents sa isang lugar sa Kamaynilaan pero napaka-kuripot palang tumulong, ayon pa sa aming kaibigang reporter na matagal na rin sa showbiz.
* * *
Noong hindi pa pala dumarating sa buhay ni Robin Padilla si Mariel Rodriguez ay gusto nang mag-retire ni Binoe pero nang maging asawa na niya ito ay dumating pa ang maraming blessings sa buhay. Kaya sabi ni Robin ay hindi pa siya titigil sa pag-aartista.
- Latest